Netizens link IG posts of Angel Locsin, Janus del Prado to Bea-Gerald-Julia issue

IMAGE @janusdelprado on Instagram

Netizens speculate that Angel Locsin and Janus del Prado's recent entries on social media allude to Bea Alonzo's controversy.


Hindi maiwasang bigyan ng kulay ng ilang netizens ang recent Instagram posts nina Angel Locsin at Janus del Prado.

Hinihinalang ang mga post nila ay may kinalaman sa isyung kinasasangkutan ng kaibigan nilang si Bea Alonzo.

Hindi pa rin kasi humuhupa ang usap-usapan tungkol sa breakup ni Bea at ng boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Sa panayam niya noong July 26, sinabi ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald at bigla na lamang daw siyang hindi kinausap nito.

Ayon sa netizens, "ghosting" ang ginawa ni Gerald kay Bea.

Noon namang August 5 ay nagsalita na rin sa wakas si Gerald tungkol sa dahilan ng breakup nila ni Bea.

Ayon sa aktor, nauwi sa isang malaking away ang dating maliliit na away, hanggang sa napagtanto niyang hindi na "healthy" ang kanilang relasyon.

Inamin din ni Gerald na umiwas siya sa anumang komunikasyon kay Bea.

Kahapon, August 6, naglabas na rin ng official statement si Julia Barretto sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa breakup nina Bea at Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iginiit ng young actress na hindi siya ang third party sa hiwalayan, at inakusahan din niya si Bea ng pambu-bully.

JANUS'S FUNNY INSTAGRAM POSTS

Sa gitna ng kontrobersiyang ito, kabilang sina Janus del Prado at Angel Locsin sa naghayag ng suporta kay Bea.

Noong July 24, nag-post si Angel sa Instagram ng group photo kasama ang ilang Kapamilya stars, kabilang si Bea.

Nilagyan pa niya ito ng hashtag na #ParaKayB na tila pagsuporta kay Bea sa pinagdadaanan nito.

Si Janus naman ay nag-post din ng larawan nila nina Bea at Angel at may makahulugang caption tungkol sa pagiging matatag.

Nagkita-kita ang tatlo sa ABS-CBN trade launch noong July 23, Martes. 

Pinaniniwalaang nabuo ang pagkakaibigan nina Bea, Angel, at Janus nang magsama-sama sila sa pelikulang Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Nagkasama rin sina Bea at Janus sa One More Chance (2007) at sa sequel nitong A Second Chance (2015).

Nitong Martes, August 6, nag-post si Janus sa Instagram ng meme tungkol sa pagtataksil na ang nilalaman ay ganito:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mga Babae: Ang tunay na Lalake, mag sisinungaling lang kung meron siyang Surprise para sayo.

“Mga Lalake: Surprise! Meron na akong iba! [laughing emoji]”

Joke din tungkol sa pangangaliwa ang ipinost ni Janus ngayong Miyerkules, August 7.

“Yung Mahal mo Na Nasa Indonesia

“Indonesia Sa Iba”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mababasa naman sa comments na iniuugnay ng netizens ang mga post na ito ni Janus sa kinasasangkutang isyu ni Bea.

May mga nagta-tag pa nga kina Bea, Gerald, at Julia.

Mapapansing mahilig talagang mag-post si Janus ng witty at funny quotes.

Pero simula nang mag-post ang aktor ng larawan kasama sina Bea at Angel, marami siyang sumunod na posts na may kinalaman sa relasyon.

ANGEL'S "KWENTONG BARBERO" POST

Hindi rin nakaligtas sa ilang netizens ang Instagram Story ni Angel ngayong Miyerkules.

Dalawang beses nag-post ng videos si Angel, kung saan ginugupitan niya ng buhok ang isang bata.

Caption ni Angel sa dalawang videos: “Kwentong barbero.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa original video ng netizen na nag-upload ng video sa Twitter, nakasulat sa caption na ginagawa ni Angel ang kanyang “ninang duties” at ginugupitan ang inaanak.  

Pero may mga netizen na nag-assume na ang posts ni Angel ay pagpapakita ng suporta sa kaibigang si Bea.

Ang phrase na “kwentong barbero” ay nangangahulugan din ng kuwentong gawa-gawa lamang o hindi totoo.

Nitong Martes, napansin ng fans ni Bea ang pag-like ng aktres sa post ng isang tagahanga tungkol sa pagsisinungaling.

Nakasulat sa meme, “Kung magsisinungaling ka, galing galingan mo—Popoy”

Ang post na ni-like ni Bea ay nangyari ilang oras matapos umere ang interview ni Gerald tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close