Bela Padilla explains dinner with Bea Alonzo, unfollowing Julia Barretto

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza (Bea Alonzo)

Bela Padilla (left) on being dragged into the controversy involving Bea Alonzo (center) and Julia Barretto (right): "So I just want to clarify—I didn’t unfollow Julia because I’m taking sides, because I honestly don’t even know the story of what’s happening to them."


Nilinaw ni Bela Padilla na walang basehan ang pagdawit sa kanya ng netizens sa sigalot sangkot sina Bea Alonzo, Julia Barretto, at Gerald Anderson.

Ayon kay Bela, nakatanggap siya ng matinding pambabatikos mula sa fans ni Julia nang makitang kasama siya sa grupo ng Kapamilya stars na nag-dinner pagkatapos ng ABS-CBN trade launch noong July 23.

Kasagsagan noon ng balitang may pinagdadaanang problema si Bea at ang boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Si Angel Locsin ang nag-post sa Instagram Stories ng litratong nakatawag ng pansin ng netizens dahil sa hashtag na “#ParaKayB.”

Nasa litrato sina Angel, Bea, Angelica, Bela, Paulo Avelino, Ketchup Eusebio, at showbiz newbie Ivana Alawi.

Naroon din ang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal, pinuno ng Dreamscape na content provider ng ABS-CBN.

Lumikha ng espekulasyon ang hashtag ni Angel, na ayon sa netizens ay tanda raw ng pagsuporta kay Bea ng kasama nitong Kapamilya stars.

Nadawit si Bela sa kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kailang best friend ni Bela si Dani Barretto, nakatatandang kapatid ni Julia, na pinuputakti ng pambabatikos sa social media dahil sa mga alegasyong kaugnay ng hiwalayang Bea at Gerald.

Paglilinaw ni Bela, “I wanna speak for everyone in that table.

"Nobody said anything. It wasn’t an attack towards someone.

“It was literally dinner. So sana let’s not think badly of people.

“I just hate that culture of always, you know, you feel like you're two steps ahead, you speculated in behalf of someone else.”

Inihayag ito ni Bela sa panayam sa kanya ng TV host na si Boy Abunda sa late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, Martes ng gabi, August 7.

Paliwanag ni Bela, mandatory na dumalo sa “after party-slash-dinner” na iyon matapos nilang dumalo lahat sa ABS-CBN trade launch noong gabing iyon.

“So I was actually here with Ketchup and Ivana for Sino Ang May Sala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was pleasantly surprised that Bea arrived.

"Obviously, I didn’t know that it was going to be posted with that hashtag ‘#ParaKayB.’

“At the same time, it doesn’t matter.

"If that dinner was for Bea or for anything else, it doesn’t matter because they're all people that I work with in ABS-CBN.

“So, parang I just feel like it's not supposed to be a big deal.”

Malinaw raw na work-related ang dinner na iyon dahil naroon ang big boss ng Dreamscape na si Deo at pati ang staff ng ABS-CBN prime-time series na Sino Ang May Sala?, na pinagbibidahan ni Bela.

“So that's what I was there for.

“Bea arrived maybe half an hour after I did, but again, it doesn’t matter.

“These are people I work with and hope to work in the future. I don’t hide the fact that I'm very close to Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was comfortable in this situation.”

Ayon kay Bela, labas siya sa kontrobersiya sangkot sina Bea at Julia.

WHY BELA UNFOLLOWED JULIA ON INSTAGRAM

Nakarating daw kasi kay Bela ang kumakalat na maling espekulasyon ng netizens na in-unfollow niya si Julia sa Instagram matapos ng binansagang "#ParaKayB" dinner ng ilang Kapamilya stars. 

“What I’m not uncomfortable with is the insinuation that I unfollowed Julia because of this dinner, because I did not,” diin ng aktres.

“And I actually texted Tita Marjorie and my best friend Dani the day after because it became such a big deal.

“I got so many messages form Julia's fans, which are super hateful.”

Ayon kay Bela, matagal na siyang naka-unfollow kay Julia at iba pang artista bilang bahagi ng kanyang “Instagram detox.”

Dire-diretsong paliwanag pa ni Bela:

“From following 4,000 people, I’m down to 2,000 plus, kasi I’m really trying to stay away as much as I can away from social media...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I unfollowed several people. It wasn’t just Julia. Even my classmates from high school.

“So my plan was to go down to zero and then unfollow my close friends, but I never got around to doing it because I got busy.

“So I just want to clarify—I didn’t unfollow Julia because I’m taking sides, because I honestly don’t even know the story of what’s happening to them.”

Dagdag ni Bela patungkol sa kanyang bashers, Kalma, kids. Social media is not everything.

One picture of a dinner doesn't define our future.

Sometimes we just need to chill and go to school.

BELA ALL GOOD WITH DANI, MARJORIE

Ibinahagi rin ni Bela kung ano ang naging usapan nila ng best friend niyang si Dani, na naiulat na apektado sa matinding pambabatikos sa kapatid na si Julia dahil sa isyu nina Bea at Gerald.

Hindi kaila sa mga nakasubaybay sa isyu na tatlong beses nang dinepensahan ni Dani si Julia laban sa akusasyong ang kapatid ang dahilan ng hiwalayang Bea at Gerald. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Bela, “I felt like I owed people an explanation because Dani sent me the photo of the dinner.

“And I said, ‘Dani, before you react or before you think negatively, it was literally dinner. Like, I had to eat because I came from a shoot from Golden Dove and from the trade launch. Literally, di pa ako kumakain the whole day.'”

Ganoon din daw ang naging paliwanag ni Dani nang maka-text niya si Marjorie.

Paniniyak ni Bela, maayos ang lahat sa kanila nina Dani at Marjorie.

BELA ON GOOD TERMS WITH BEA, ANGEL

Sa huli, sinabi ni Bela na hindi apektado ng pagkakaibigan nila ni Dani kung anuman ang pakikitungo niya kay Bea.

“At the same time, I don’t see anything wrong with having dinner with Bea and Angel and Angelica.”

OK ba siya kina Bea at Angel?

Sagot ni Bela, “Yes, I’ve actually written several scripts for Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really hope to work with her in that aspect, as writer-actres because I am a fan of Bea's work.

“Also, Angel. Angel has been a friend. Like, we go way back.”

Hindi raw maintindihan ni Bela kung bakit iniisyu pati ang nakaraan nila ng ex-boyfriend niyang si Neil Arce, na boyfriend at fiancé na ngayon ni Angel. 

Hinggil sa engagement nina Angel at Neil, dagdag ni Bela, “Just to say this, but I was probably one of the people who texted Angel to congratulate her.

“So, parang there's nothing wrong...”

Kung anu't anuman, wala na raw dapat ipaliwanag si Bela dahil nakausap na niya ang mga taong dapat pagpaliwanagan at hindi na dapat pa bigyang-malisya ang picture nila nina Bea, Angel, at Angelica. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close