Angelica Panganiban becomes "independent, empowered" after last heartbreak

IMAGE Noel Orsal

Director Andoy Ranay says he is happy that Angelica Panganiban has changed into an independent and empowered woman after being heartbroken by ex-boyfriend Carlo Aquino.


Kung dati ay aminadong “marupok” pagdating sa pag-ibig, “sobrang independent” na ngayon si Angelica Panganiban.

Priority na raw niya ngayong mahalin ang sarili at ang kanyang career. 

Ito ang buong pagmamalaking ikinuwento ni Direk Andoy Ranay tungkol sa 32-anyos na aktres, na malapit niyang kaibigan.

Ayon kay Direk Andoy, pagkatapos ng “last heartache” ni Angelica ay pinayuhan niya ito, “I think it’s time for you to love yourself more and celebrate your being independent.”

Bagamat hindi pinangalanan, hindi lingid sa marami na ang ex-boyfriend na si Carlo Aquino ang huling na-link kay Angelica.

Natatawang sinabi ng direktor na “natatakot” siya sa pagbabagong nakikita niya sa kaibigang aktres, dahil sinunod daw ni Angelica ang ibinigay niyang love advice dito.

“Ngayon natatakot ako, kasi parang sobra siyang independent,” ani Direk Andoy.

“Sobra siyang na-empower because of that, na parang at this point in her life, ‘Hindi iikot ang buhay ko dahil sa love life. Yung kaya kong gawin ang lahat ng ito nang ako lang.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki pa ni Direk Andoy sa kaibigan, "Natutuwa ako sa mga desisyon niya sa buhay ngayon, yung, 'Aalis ako kung kailan ko gustong umalis. Aayusin ko yung schedule ko para walang matatapakan akong schedule. Pero magpapakasaya ako kasi gusto ko ‘to. Kasi para sa akin ito. Hindi ito para sa ibang tao.'"

Nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang entertainment reporters si Direk Andoy sa media conference ng bagong iWant digital series na Call Me Tita noong Martes ng gabi, August 6.

Streaming na simula sa August 18, isa si Angelica sa mga bida sa serye, kasama sina Mylene Dizon, Agot Isidro, Joanna Ampil, Cherry Pie Picache, at Lorna Tolentino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbibida pa ni Direk Andoy sa kaibigan, “Yun yung nakikita kong transformation niya, parang she’s becoming more empowered, mas minamahal niya yung sarili niya.

“Mas inirerespeto pa niya yung sarili niya, at yung mga katrabaho niya.

“Yung trabaho niya, mas mahal pa niya ngayon.”

ANGELICA AND CARLO’S ALMOST SECOND ROMANCE

Inakala ng marami na muling nagkamabutihan sina Angelica at Carlo habang ginagawa ang reunion movie nilang Exes Baggage noong Setyembre 2018.

Umasa noon ang fans ng dalawa—binansagang CarGel—na tuluyang magkakabalikan ang mag-ex dahil pawang sweet ang social media posts nila sa kasagsagan ng promo at hanggang sa matapos ipalabas ang Exes Baggage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Teenage sweethearts, magkasama pang nagbakasyon sina Carlo at Angelica sa Australia noong March 2018, at sa Japan, Nobyembre ng parehong taon.

Sa random Q&A ng aktres sa kanyang Instagram followers noong July 2018, nakisali si Carlo at nagpadala ng sariling litrato na may texts na: “Ako lang ba ang churi sa buhay mo?”

“Churi” ang term of endearment ni Angelica kay Carlo.

Pabirong sumagot si Angelica sa aktor: “Hahahaha! Wag kang malandi. Marupok ako.”

Sabay rin nilang ipinagdiwang ang Christmas Day sa bahay ni Angelica sa Quezon City, kasama ang kani-kanilang pamilya, batay sa mga litratong ipinost ng aktres sa Instagram.

FALLING-OUT 

Gayunman, pagsapit ng January 9, 2019 ay biglang in-unfollow ni Angelica si Carlo sa Instagram, dahil sa aniya’y mga negatibong komentong natatanggap niya mula sa mga fans ng aktor.

January 15, nag-tweet si Angelica tungkol sa pagiging brokenhearted, bagamat wala siyang binanggit na pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinabukasan, January 16, tungkol na sa moving on ang tweet ni Angelica.

"Kapag natapos na ang playhouse. Pwede bang suportahan niyo ko sa pag mmove on? Sa tatlong naka relasyon ko, sure akong dito ko matatagalan maka move on.”

Bukod kay Carlo, nagkaroon din ng long-term relationship si Angelica kina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

January 17 naman nang kumalat online ang mga litrato ni Carlo kasama ang isang non-showbiz girl.

March 2019 nang kumpirmahin ni Angelica na hindi na niya itinuturing na kaibigan si Carlo, at inaming hindi na rin sila nag-uusap.

Sa nasabing interview sa finale presscon ng teleserye nila noon na Playhouse, tinanong si Angelica kung umasa ba siyang magkakabalikan sila ni Carlo.

Sagot ni Angelica, “Yun ang sabi niya—umasa daw ako.”

CARLO ADMITS HURTING ANGELICA, APOLOGIZES

Nitong nakaraang buwan lang, diretsahang inamin ni Carlo na mayroon siyang nagawang pagkakamali kay Angelica.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 30, sinabi ni Carlo na humingi na siya ng sorry sa ex-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Carlo, “Hindi naman ako magso-sorry kung alam kong hindi ako nagkamali.”

Sinabi rin ng aktor na “valid” ang kung anumang sama ng loob na mayroon si Angelica sa kanya sa ngayon.

Ito ang naging sagot ni Carlo nang hingan ng reaksiyon sa sagot ng aktres na hindi siya “bobo” para pumayag na makasama uli sa project ang aktor, base na rin sa na-tweet na hiling ng isang CarGel fan.

“Siguro yung emotions niya, valid yun. Kung yun ang nararamdaman niya, ibigay natin sa kanya,” sinabi ni Carlo tungkol kay Angelica.

Nauna rito, nali-link na si Angelica kay Cholo Barretto, bagamat wala pa mang sino sa kanila ang nagkukumpirma kung mayroon na nga silang relasyon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close