Liza Diño speaks up about Ice Seguerra being accepted as transman actor

IMAGE Liza Diño-Seguerra on Facebook

Liza Diño (left) says she's happy that the world is changing now for transgender actors like her husband, Ice Seguerra, who plays a male role in Call Me Tita.


Ipinagmalaki ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño na napatunayan ng asawang si Ice Seguerra na “hindi na halaman ang tingin sa mga transman.”

Sa mahabang Facebook post ni Liza ngayong Huwebes ng umaga, August 8, ipinagmalaki at pinuri niya ang “male role” ni Ice sa Call Me Tita.

Dumalo ang mag-asawa sa gala premiere ng bagong iWant digital series nitong Miyerkules ng gabi, August 7.

Sa Call Me Tita, love interest ni Ice si Mylene Dizon.

Saad sa post ni Liza, “Nakakakilig to see you with a love interest at nakakaproud dahil hindi na HALAMAN Ang tingin sa mga transman ---walang love life.”

Masaya ang FDCP chairperson na sa Call Me Tita ay napatunayan ni Ice na hindi na limitado ngayon ang roles na maaaring tanggapin ng transgender actors.

“Im really happy na the role you're playing is no longer limiting you as an actor.

“Love, you're playing a MALE role. Can you believe that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The world is changing. I know that makes you proud. (Although siguro kaya ako ganito kasi di ko pa nakikita ang kissing scene mo).”

KISSING SCENE BETWEEN MYLENE AND ICE

Sa media conference ng Call Me Tita noong Martes, August 6, kinumpirma ni Mylene na may kissing scene sila ni Ice sa serye.

Bukod kina Mylene at Ice, kabilang din sa cast sina Angelica Panganiban, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, at Lorna Tolentino.

Sa bungad ng Facebook post ni Liza, sinabi niyang bagamat nagdadalawang-isip si Ice na bumalik sa pag-arte, alam niyang hinahanap-hanap ito ng singer-songwriter.

“It was so nice to see you back on screen again and doing what you love....acting.

“For a time alam kong medyo nagstep back ka coz ayaw mong matali ang oras mo.

“Pero alam ko deep inside, hinahanap hanap mo sya.”

Ayon pa kay Liza, pangarap niyang makatrabaho ang mister dahil may "natural gift" ito sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papuri niya kay Ice, “Love, you have a natural gift. Napakagaling mong artista.

“Sa totoo lang pangarap kong makatrabaho ka kasi grabe ka magbigay sa eksena.

“Watching you last night, bigla ko na namang namiss umarte, only bec gusto ko ako yung kaeksena mo. Hahahaha! Joke lang.”

Si Liza ay dating theater actress, habang huling napanood si Ice sa teleseryeng Be Careful With My Heart, na umere sa ABS-CBN noong 2012 hanggang 2014.

Gumanap si Ice sa serye bilang Kute (kumbinasyon ng ‘kuya’ at ‘ate’), kapatid ng bidang si Jodi Sta. Maria.

LIZA WANTS ICE TO PURSUE MORE ACTING ROLES

Sa huli, in-encourage ni Liza si Ice na tumanggap ng iba pang acting roles.

Pagkumbinsi pa niya kay Ice, “Love, ituloy tuloy mo na to. Nandito lang ako sa likod mo.

“You must not stop feeding your soul.

“You are an artist with so many talents.

“At maswerte ka, abot kamay mo lang ang lahat ng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dulong bahagi ng post ni Liza, binati na rin niya ang mister sa wedding anniversary nila sa December.

“Happy 8th sa atin mahal ko. 3 months na lang, 5TH WEDDING ANNIVERSARY na natin.

“Ang bilis ng panahon pero hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sayo.”

Pebrero 2014 nang mag-propose si Ice kay Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agosto ng taong iyon, idineklara ni Ice sa isang TV interview na siya ay transgender.

December 8, 2014 naman nang ikasal sina Liza at Ice sa California.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close