Raffy Tulfo willing to help resolve Bea-Gerald-Julia issue

IMAGE @raffytulfoinaction on Instagram

Raffy Tulfo invites Kapamilya stars Bea Alonzo, Gerald Anderson, and Julia Barretto to his radio program to resolve their issue.


Inimbitahan ni Raffy Tulfo sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto sa kanyang radio program upang “ayusin” ang kanilang problema.

Sa kanyang TV program na Aksyon sa TV5 nitong Miyerkules ng gabi, August 7, sinabi ng broadcaster na mas mainam kung maghaharap-harap ang tatlong Kapamilya stars.

Sabi ni Raffy, “Alam mo 'yan, solusyon niyan, itong si Bea, 'tsaka si Julia, 'tsaka si Gerald, pumunta sa Wanted sa Radyo. Ayusin namin 'yan.”

Tinukoy ni Raffy ang kanyang radio program, na umeere tuwing weekdays ng hapon sa Radyo5 92.3 News FM.

Dinadagsa ng mga karaniwang tao na may problemang nais maresolba, inimbitahan ng broadcaster ang tatlo sa kanyang programa para “malaman natin kung sino ang may kasalanan.”

Sabi ni Raffy, “Lahat ng problema ay may solusyon. Para malaman natin talaga kung sino ang may kasalanan.”

Trending at lalo pang tinututukan ng publiko ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Bea, Gerald, at Julia makaraang magkasunod na maglabas ng pahayag ngayong linggo sina Gerald at Julia tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lunes, August 5, nang linawin ng aktor sa isang TV interview na hindi totoong si Julia ang third party sa hiwalayan nila ni Bea.

Kinabukasan, August 6, nag-post naman sa Instagram si Julia upang idepensa ang kanyang sarili sa mga nagdadawit sa kanya sa breakup.

Sa nasabing post ng young actress, inakusahan din niya si Bea ng “bullying” sa social media.

RAFFY IS FOR ‘TEAM AREGLO’

Kasunod nito, nag-trending sa social media ang hashtags na #TeamBea at #TeamJulia, pero iginiit ni Raffy, “Ako, Team Areglo.”

Segunda pa niya, “Bukas ang tanggapan namin anytime para kina Gerald, Bea, Julia.

"Monday to Friday, punta kayo rito sa Aksyon Center."

Sinabi ng broadcaster na pinakamabuting gawin ang mag-usap-usap sina Bea, Gerald, at Julia dahil hindi na maganda ang nangyayari sa ngayon.

“Kasi kumakalat sa social media, nagkakasiraan na kayo, nagkakasakitan na.

"E, ang gusto lang naman kasi ng mga fans ninyo, correct me if I’m wrong, na magkabalikan na kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkabalikan na sana, kung sino ang dapat magkabalikan.

‘BAGONG PAG-ASA’ FOR JULIA

Binanggit din ni Raffy na posibleng magbigay-daan pa ang kanyang radio program upang mabigyan ng “bagong pag-asa” si Julia sa pag-ibig.

“'Tapos siguro si Julia, bigyan na lang natin ng bagong ano, pag-asa, kung sino ang dapat niyang maging boyfriend,” sabi ni Raffy.

Mahigit dalawang linggo nang hot topic sa social media ang pagkakadawit ni Julia sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Nagkani-kanyang post ng opinyon at komento sa isyu ang netizens at kapwa celebrities nina Bea, Gerald, at Julia.

Kahapon, August 7, napakomento na rin sa isyu si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, na umani ng reaksiyon mula kina Muntinlupa City Congressman Ruffy Biazon at Senator Nancy Binay.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close