Rica Peralejo's father dies a week before their scheduled reunion 

IMAGE @ricaperalejo Instagram

Rica Peralejo says she was supposed to reunite with her father, Jun Peralejo, in California next week. "Wala na, hindi na umabot," quotes Rica from a message she got from her sister about their father's sudden passing on August 6, 2019.


Malungkot na ibinalita ng aktres na si Rica Peralejo na pumanaw na noong August 6 ang kanyang ama na si Jun Peralejo 

Hindi tuwirang binanggit ni Rica kung ano ang sakit ng ama, pero nabanggit niya hindi raw nito nalampasan ang kumplikasyong dinanas sa pagkakataong ito. 

Ang ama ni Rica, na "Kuya Jun" kung tawagin ng mga kakilala nito sa Alaska, ay matagal nang nakabase roon dahil sa trabaho nito. 

Ayon kay Rica, nakatakda na raw sana ang pagkikita nila ng ama sa California next week. 

Kasama raw sana ni Rica ang two-month old baby niyang si Manu. 

Sabi ni Rica sa kanyang Instagram post ngayong Biyernes, August 9:

"A pic I took of my dad when I visited him in Alaska years ago.

"I am scheduled to see him next week in California. I was going to show him Manu.

"Because it has been my habit to go out and see him for every milestone of my life: before my wedding, when I had my firstborn and now, with the second-born.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I always wanted to show him the faithfulness of God in his life by the increase of his family." 

Kahit may sakit noon ay malakas daw ang kanyang ama kaya hindi makapaniwala si Rica na namayapa na ito. 

"But we didn’t make it. He already passed on August 6.

"It was uncharacteristic of him though as he always survived his complications so I was so surprised.

"So much so that even when my sister was telling me, 'Wala na, hindi na umabot...'

"I still had to ask, 'Eh wala na ba talaga?' I surely felt stupid after asking that. Someone just told me he is dead and I had to ask to recheck as though we could still bargain..." 

Sa kabila ng pagdadalamhati, aminado raw si Rica na nasa mabuting kamay na ang kanyang ama. 

"Regardless of what I feel, at least Papa is now free from the pains and limitations of this life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is so much better than him having to wait for us...

"Pop, rest in peace, in shalom, in wholeness, in life.

"Hoping you are fully restored in Jesus right now..." 

Sa huli nagpasalamat si Rica sa mga taong nagpapaabot ng kanilang dasal at pakikiramay sa pamilya Peralejo. 

Ilan sa mga kapwa-artista ni Rica na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ay sina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, at Maricel Laxa. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close