Joshua Garcia on team-up with Janella Salvador: "I think this is the right time for us."

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia and Janella Salvador share their thoughts about finally becoming a love team. “Ilang beses na dapat kami nagka-work in the past, pero laging di natutuloy," says Janella.


May tawag na sa bagong love team nina Joshua Garcia at Janella Salvador—JoshNella.

Magtatambal sila sa ABS-CBN teleserye na The Killer Bride.

Paliwanag ni Janella, 21, dati pa sana sila nagkatrabaho ni Joshua, 21, pero laging nauudlot.

Pagbubunyag ni Joshua, ito ay dahil sa pagkakaroon nila ng ibang ka-love team.

Kapareha ni Joshua ang dating girlfriend na si Julia Barretto (JoshLia), samantalang si Janella ay ka-love team naman ang ex-boyfriend na si Elmo Magalona (ElNella).

“Ilang beses na dapat kami nagka-work in the past, pero laging di natutuloy,” paliwanag ni Janella sa pocket presscon ng The Killer Bride nitong August 8, Huwebes.

“Finally, nung sinabi nila… na nung pinitch nila sa akin, sabi nila si Joshua ang pine-peg nila, sabi ko, ‘Sana si Joshua talaga.’

“Kasi, maybe this is the right project na magkatrabaho na kami.”

Kinatigan ito ni Joshua na noon pa man ay gusto nang makatrabaho si Janella.

Sabi ng aktor, “Dati pa lang, sinasabi ko na sa handler ko, ‘Sana makatrabaho ko si Janella.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa si Joshua na sa wakas ay mangyayari na ito. 

“I think this is the right time for us, and I’m happy.

“I’m happy na makatrabaho siya... very professional siya.  

“Pag gusto niya ang ginagawa niya, focused siya sa ginagawa niya.

"Passion sa work niya, nakikita ko," sabi ng aktor.

JOSHUA AND JANELLA MORE PREPARED

Hindi ba sila nag-alangang magtambal, lalo pa’t sa mga karanasan nila sa mga nakalipas na love team?

Sagot ni Janella, “Feeling ko mas prepared na kami ngayon kasi may natutunan na kami from the past [love team namin].

“Kasi yung love team, yung notion talagang lahat ng projects, magkakasama kayo.

“For now, we're not yet there, yung love team na palagi kaming magkaka-work.”

Dugtong ng aktres, “We’re just really happy na binigyan kami ng chance to work with each other na kakaiba. Unexpected.

"It’s another journey.”

Ano ba ang nais ni Janella sa panibagong love team na ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it clicks, we’re gonna be happy, pero parang ayaw namin masyadong mag-rely sa isa’t isa lang.

“Gusto din naming mag-grow individually bilang actors.”

JOSHUA AND JANELLA’S TAKE ON LOVE TEAMS

Para kay Joshua, advantage ang magkaroon ng ka-love team dahil nakatutulong daw ito para mahasa ang pag-arte.

“Sa industry namin, maganda sa amin na nakakapag-work kami with different actors, kasi naggu-grow kami at may natutunan kami sa kapwa actor namin kung sino ang makakapareha.

“For me, okay siya sa akin. Nakakatulong siya sa growth ko as an actor and as a person.”

Alam din daw ni Janella na malaking tulong ang pagkakaroon ng love team sa career.

Pero kung siya raw ang masusunod, ayaw niyang matali sa iisang love team.

“Love teams are good to a certain extent. I have nothing against it, kasi nakakatulong talaga siya sa iba.

“Pero I’m against this stigma na pag may ka-love team ka, hindi ka puwedeng mag-work with other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, kaya kami nasa industry na ito, kasi we want to be able to express, play different characters.

“We meet different people kasi that’s how you grow.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close