Dani Barretto taunts her bashers: "Mainis kayo lalo sa maganda kong mukha!"

IMAGE @danibarretto on Instagram

Dani Barretto responds to memes saying "Away ito ng magaganda huwag kang makisali." Netizens made fun of Dani for defending sister Julia Barretto on her rift with Bea Alonzo.


“Away 'yan ng magaganda! Huwag kang makisali!”

Isa lamang ito sa maraming social media comments na kumukutya sa hitsura ni Dani Barretto dahil sa “pakikisali” nito sa away ng “magaganda” na sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Si Dani ay nakatatandang kapatid sa ina ni Julia.

Dahil sa hidwaan sa pagitan nina Bea at Julia, kabilang sa mga masigasig na tagapagtanggol ng huli ay si Dani at ang ina nilang si Marjorie Barretto.  

Ito ay may kinalaman sa paghihiwalay nina Bea at Gerald Anderson, kung saan ang itinuturong third party diumano ay si Julia.

Pumutok ang balita matapos kumalat ang paparazzi shots nina Gerald at Julia sa social media.

Nakunan nang magkasama ang dalawa matapos dumalo sa birthday celebration ni Rayver Cruz noong July 20.

Dahil sa pagtatanggol niya kay Julia, naging tampulan din ng panlalait ng netizens si Dani.

May memes ding nagkalat sa social media at ganito rin ang nilalaman: hindi raw dapat makisali si Dani sa away ng magaganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang ilan lamang sa panlalait kay Dani: 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANI FIRES BACK AT HER BASHERS

Ngayong hapon ng Biyernes, August 9, bumuwelta si Dani sa mga taong kinukutya ang kanyang hitsura.

Nag-post si Dani sa Instagram ng kanyang larawan na nakangiti. 

Palaban ang kanyang caption. 

Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng isang panlalait mula sa bashers:

“Eh kasi naman Dani girl, bakit ka ba kasi sumasali sa away ng magaganda eh napaka panget mo at pinakasalan ka lang naman kasi na buntis ka.

"Next time kasi quiet ka nalang. Yan tuloy nababash ka."

Buwelta pa ni Dani: “Oh gulat kayo memorize ko na kayo noh? HAHAHA 

“Oh ito, mainis kayo lalo sa maganda kong mukha. [heart emoji]

“You do note meeeeee.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa comments section ng kanyang post, marami ang pumuri at bumilib kay Dani, na kahit buntis ngayon ay hindi nagpapatinag sa panlalait ng ilang netizens.

May netizen pa ngang nagbiro na sana ay photo album ang ipinost ni Dani.

Sagot ng kapatid ni Julia: “kaya nga eh! Dami ko pa naman photos dito na im sure mas maiinis sila sa mukha ko hahahaha”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ng isa, nakalulungkot na may mga taong nanlalait, lalo na sa isang buntis.

Sagot dito ni Dani: “some people are just bored or really heartless. Sad truth!”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close