Ejay Falcon not offended by women, gays fantasizing about him

IMAGE Instagram

Ejay Falcon: "Siyempre, sino ba naman yung pinagpantasyahan na nagalit pa, di ba?"


Nagpapasalamat si Ejay Falcon sa mga kababaihan at kabadingang nagpapantasya sa kanya.

Hindi raw siya nao-offend.

“Flattered! Siyempre, sino ba naman yung pinagpantasyahan na nagalit pa, di ba?

“Ibig sabihin, may mga humahanga sa iyo, mga ganyan, e, maging masaya ka na lang!” nakangiting lahad ng Kapamilya actor.

Co-star ni Ejay sa bagong ABS-CBN teleserye na Sandugo ang kapwa certified hunk na si Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magpapasiklaban ba sila ng abs at muscles?

“Hindi.”

Hindi sila maghuhubad sa show?

“Hindi, pero hindi siya more on… iba ‘to. Hindi talaga siya katawan.

"I mean, talagang ang sentro niya talaga, e, family/action/drama.

"Pampamilya talaga, love story."

Kumustang katrabaho si Aljur?

“Si Aljur, kaibigan ko na 'yan bago pa siya lumipat ng ABS-CBN. As in kaibigan ko talaga.

“Nag-start 'yan, may common friend kami.

"'Tapos, sa gym, lagi kaming magkasama hanggang lumalabas-labas kami, nagba-basketball pa kami.”

Nasa GMA pa si Aljur noong nagsimula ang pagkakaibigan nila.

“'Tapos, lumipat siya sa ABS, ayun, eto!

"Pinag-uusapan lang namin yung mga ganitong concept, biglang… pinost niya sa Instagram yun, e, sabi niya, ‘Pinag-uusapan lang natin ‘to dati, ‘tol, ngayon natuloy!’

“So, ayun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa launch niya bilang bagong celebrity endorser ng BEAUTeDERM Collection noong Hulyo 28, Linggo, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOREVER KAPAMILYA?

Forever na bang Kapamilya si Ejay?

“Mahirap hong sabihin 'yan, mahirap sabihin.

"Kasi, hindi natin masasabi yung mga darating na panahon.

"Pero ngayon, e, sobrang thankful po ako and sobrang kuntento ako sa binibigay nila. Masaya!

“Sobra-sobra yung binibigay nila sa akin.

“Pero yung sinasabi mong forever, di ba, sabi nga nila…”

Na walang forever?

“Di ba? May plano na ba silang magpakasal ng girlfriend niyang si Jana Roxas? Napag-uusapan na ba nila?

“Ready naman. Ready na ako sa lahat ng mangyayari.

“Pero hindi namin minamadali. Ngayon pa na nagte-taping ako na talagang puspusan yung binibigay ko dito.

"Minsan, anong oras na ako nakakauwi, hindi na kami masyadong nakakapag-bonding."

Ano ang dream wedding nila?

“Hindi pa kami yung doon, wala pang detalye.

"Pero siyempre, napag-uusapan ang pamilya, napag-uusapan ang ganito."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close