Gerald Anderson completes Scout Ranger training

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson and A Soldier's Heart co-stars volunteer to undergo Scout Ranger training.


Natapos na ni Gerald Anderson ang Scout Ranger training sa Bulacan.

Ito ang ibinida ng aktor sa kanyang Instagram Stories ngayong Biyernes, Agosto 9.

Sa serye ng videos na ipinost niya, ine-enjoy ng aktor ang closing ceremonies ng Soldier’s Orientation Training sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.

Kasama niyang sumailalim sa bootcamp training ang co-stars niya sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na A Soldier's Heart na sina Carlo Aquino, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Nash Aguas, Yves Flores, at Vin Abrenica.

Ang pagsailalim nila sa training ay walang kinalaman sa kanilamg teleserye, ngunit kusa nilang ginawa.

Sa unang video, nakahilera sila habang sabay-sabay na umiinom ng Ranger’s Wine, at pumangalawa si Gerald sa mga unang nakaubos ng wine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interview ng philstar.com noong unang linggo ng July, ikinuwento ni Gerald na kasalukuyan din siyang sumasailalim sa military training, tulad ng kaibigan niyang si Matteo Guidicelli.

Noong panahong iyon, katatapos lang ni Matteo sa training bilang Army reservist.

Samantala, mistulang si Gerald mismo ang kumuha ng videos, kung saan makikitang kumakanta si Elmo ng isa sa hit songs ng amang si Francis Magalona, ang “Kaleidoscope World.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maririnig pa ang boses ni Gerald habang sumasabay sa pagkanta ni Elmo.

Sa isa pang video, naki-rap si Nash sa pag-awit ni Elmo ng isa pang hit ng tinaguriang Master Rapper, ang “Bagsakan.”

Bukod kay Francis, tampok din sa orihinal na “Bagsakan” ang rapper na si Gloc 9 at ang bandang Parokya Ni Edgar.

“Darna” naman ng Kamikazee ang kinanta ni Jerome sa kasunod na video, na kinukunanan pa rin ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa telebisyon mapapanood ang A Soldier’s Heart, bagamat wala pang tiyak na petsa ng pagpapalabas nito.

Kamakailan lang, August 5, nang lumabas ang exclusive interview kay Gerald at itinanggi niyang si Julia Barretto ang third party sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo.

Kinabukasan, sa isang Instagram post, pinabulaanan din ni Julia ang mga alegasyon laban sa kanya.

Inaabangan naman ng marami ang direktang pahayag ni Bea tungkol sa akusasyon ni Julia.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close