Kenzo Gutierrez arrested after bar scuffle

IMAGE PBB:737 photos

Ex-Pinoy Big Brother: 737 housemate Kenzo Gutierrez Ex-PBB housemate Kenzo Gutierrez arrested after bar scuffle in Makati City.


Inaresto si Karlos Lorenzo Gutierrez, 22, dahil sa diumano'y pagwawala sa isang bar at pambabastos diumano ng police officers sa Makati City. 

Natukoy ang gamit niyang screen name bilang Kenzo Gutierrez, dating housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: 737 noong 2015. 

Ngayong Sabado, August 10, kumalat sa social media ang kinunang mug shot ni Kenzo sa isang police station sa Makati. 

Sa litrato, makikitang ang kasong kinasangkutan ni Kenzo ay may kinalaman sa "ALARM AND SCANDAL" at "DISOBEDIENCE TO A PERSON IN AUTHORITY."

MAKATI POLICE INVESTIGATION

Ang alegasyong paglalasing at pagwawala umano ni Kenzo sa isang bar, bandang ala-una ng umaga nitong August 10, ay kinumpirma ni Police Major Gideon Ines Jr. ng Makati police. 

"So si Kenzo, nakita natin na siya ay lasing, nandoon siya sa isang bar," saad ni Ines sa panayam ni ABS-CBN News reporter Michael Delizo. 

"Pagkatapos noon ay uminom then lasing na lasing, then nagwala.

"So ang payo natin sa nag-iinom sa bar, uminom lang nang tama, kung ano lang yung content, kung ano yung kaya natin inumin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nabanggit kung paano nasangkot sa gulo si Kenzo sa bar. 

ALLEGED CURSING AT POLICE OFFICERS

Pero nakunan ng video si Enzo na walang suot na pang-itaas na damit sa loob ng Makati police station. 

"Huwag ako," madiing sabi ni Kenzo sa isang babaeng pulis. 

Madidinig na sinasabihan si Kenzo ng babaeng pulis na "mag-relax muna" habang naghihintay na simulan ang imbestigasyon sa kinasangkutang insidente ng ex-PBB housemate. 

Sinasabing may minura raw siyang police officers, at sinubukan pang mag-alok ng PHP2,000 sa dalawang police officers kapalit ng paglaya ng binata. 

Sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer, nakasaad na isang security guard ang tumawag sa pulisya upang i-report ang diumano'y pagkasangkot ni Kenzo sa gulo sa isang bar. 

Nang rumesponde ang dalawang police officers sa lugar, nagwawala pa rin umano si Kenzo. 

Sigaw daw ni Kenzo sa police officers, "'Di niyo ba ako kilala? F*ck! P***** ina niyo! Ano? Suntukan na lang tayo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close