Marco Gallo shrugs off Juliana Gomez-Andres Muhlach prom date

IMAGE Instagram

Marco Gallo on Juliana Gomez-Andres Muhlach prom date: “If he's able to make him happy, she's able to make him happy, go ahead. As long as yun nga, you don't regret the choices, go lang."


Nang mauwi sa breakup ang relasyong Marco Gallo at Juliana Gomez, ang binatilyong anak nina Aga at Charlene Gonzales na si Andres ang naging escort ni Juliana sa prom night ng kanilang eskuwelahan.

Marami ang kinilig at nagsabing bagay ang dalawa lalo't galing sila pareho sa kilalang pamilya sa showbiz.

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksyon si Marco tungkol dito sa nakaraang launching ng Faces and Curves BGC, siniguro sa amin ng Kapamilya actor na matagal na silang wala ni Juliana kaya't di na ito isyu sa kanya.

Pahayag niya, "If they are happy about it, okay lang, I'm not interested.

“I'm over it, coz we've been what… exes for few months na, it's been a year.

“If he's able to make him happy, she's able to make him happy, go ahead.

“As long as yun nga, you don't regret the choices, go lang."

Ayon din kay Marco ay maayos naman ang naging paghihiwalay nila ni Juliana at alam niya na pag nagkita sila ay walang magiging problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglinaw niya, "No, we're friends.

“Text? Di naman, it's not needed pero alam mo yung pag nagkita kayo okay kayo."

ZERO LOVE LIFE

Ayon kay Marco, wala siyang karelasyon, at ang pokus niya lang talaga ay ang kanyang showbiz career at mga importanteng tao at bagay sa kanyang buhay sa ngayon.

Sabi niya, "First time I'm not in a lovelife.

“Wala, focus ko sa sarili ko—on gym, on my craft, on my family. 

“These are the years, I'm 18 years old, everyone is saying bata ka pa but I'm not.

“Two years, I'm gonna be 20, 7 years I'm gonna be 25 and after 25 you need to be able to pay for yourself.

“After 25 and you are still asking money from your mom, I don't want that to happen to me.

“I wanna be stable and that's what I am doing right now."

NO CONTACT WITH KISSES

Sa ngayon ay nagpapahinga pansamantala sa showbiz at nag-aaral ang dating ka-love team niyang si Kisses Delavin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Marco ay bahagi na lang din ng nakaraan niya si Kisses at wala na siyang koneksiyon sa dating kapareha.

Pag-amin niya, "Honestly, I don't care.

“I mean I'm not in it, involved in it.

“I don't know the story, what happened, but feeling ko naman is if they're happy about it, okay.

“Kung dun siya masaya, go lang.

“Gusto ko lang, bawat tao kasi sino pa man yan, kung naging kaaway ko, di ko kaaway, kahit ano.

“Basta at the end of day, lagi kang maging masaya, kasi paano kung bukas wala ka na, di ba?

“Kung dun ka masaya sa choices na yun, gawin mo yun."

BUSY WITH PROJECTS

Sa ngayon ay abala ang aktor sa mga proyekto na pinagbubuhusan niya ng kanyang oras at talento.

Lahad niya, "I'm doing a movie and a series. The series is not showing yet, yung Kapalaran.

“The movie is directed by Joven Tan, horror siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's another step up, bigger step.

“Nakakatulong siya sa career kasi ito first teleserye ko.

“I'm excited and nervous at the same time.

“Kayo ba naman isali sa teleserye. Nakakakaba everyday, kailangan mong galingan dahil makikita ka on national TV.

“Masaya naman at sa tingin ko naman okay naman ang kinalabasan.

“Ako wala akong regrets kasi binigay ko naman ang todo ko.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close