Ara Mina laughs off question about "kaya nang bumuhay ng lalaki"

IMAGE Arniel Serato

Ara Mina believes women should not dependent on their future partners: "Kawawa din naman kung super dependent ka sa guy, di ba? So, maganda rin yun na may sarili kang pera."


Hindi pa rin tinatantanan ng entertainment reporters si Ara Mina ng mga tanong tungkol sa kanyang love life.

Kahit steady lang ang kanyang TV and movie career, matagumpay naman si Ara sa kanyang mga negosyo sa edad na 40. 

Natatawang sabi ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media, “Ayun, basta ano naman  ako, hindi naman ako nagte-turn down.

“Ini-entertain ko naman, pag may time, ‘Sige, we can have dinner,’ para to get to know the guy.”

Katulad sa pag-ibig, hindi rin sumusuko si Ara sa pagtatayo ng negosyo.

Nasubukan na niya noon ang video-rental business, restaurant, bar, at kung anu-ano pa.

May mga hindi man nagtagumpay, mayroon namang kumikita at patuloy na lumalaki.

Katulad na lamang ng kanyang Hazelberry Cafe at Ara Secrets.

Ibig bang sabihin, kaya na niya talagang bumuhay ng lalaki?

Napahalakhak na sagot ng actress-entrepreneur, “Ikaw ang bubuhayin!

“Di ba, dapat parehas kayo, buhayin natin ang mga sarili natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayan, pero kawawa din naman kung super dependent ka sa guy, di ba?

"So, maganda rin yun na may sarili kang pera.

“Yun nga siguro yung problem, e, nai-intimidate sa akin yung mga lalaki dahil nga ang dami kung negosyo.

“E, ano naman 'yan, hindi pa naman sobrang big time ang mga negosyo ko, pero ano na... kumikita and nasa process siya na nakikita ko na naggu-grow yung business.”

Noong July 31 , may bago na namang negosyong binuksan si Ara.

Ito ay ang sarili niyang make-up line na Ara Colours katuwang ang Ever Bilena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ara, siya mismo ang namamahala sa produksiyon ng kanyang make-up line at abot-kaya raw ng masa ang presyon.

Dinaluhan ang launching ng malalapit niyang kaibigan sa showbiz katulad nina Barbie Imperial, Patricia Javier, Alynna, at Sugar Mercado. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close