Jay-R Siaboc dismisses rumored wedding with Irish Fullerton


Jay-R Siaboc is amazed at the rumor that he and co-Pinoy Dream Academy scholar Irish Fullerton are getting married soon. He insists that they are close friends who take rumors as they come.



Bago nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) Pinoy Dream Academy first runner-up na si Jay-R Siaboc sa presscon ng Pangarap Na Bituin noong August 23, nakatanggap kami ng balitang magpapakasal na raw ito sa rumored girlfriend niyang si Irish Fullerton.

Ayon sa nakuha naming impormasyon, nakatakda raw umalis si Irish papuntang San Francisco sa August 29. Pero pagkatapos raw ng dalawang linggo ay babalik ito para magpakasal na sila ni Jay-R.

Sa presscon ng Pangarap Na Bituin ay inusisa namin si Jay-R tungkol sa naturang balita. Tototo bang magpapakasal na sila ni Irish?

"Ano? Bakit naman kami magpapakasal?" nagtatakang tanong ni Jay-R.

Sinabi namin kay Jay-R na ayon sa nakuha naming balita ay magpapakasal sila dahil sa pangarap ng male singer na mag-migrate na sa Amerika at magiging madali daw ito dahil U.S. citizen si Irish.

"Hindi naman sa pangarap. Siyempre lahat naman siguro gusto dun," sagot naman niya.

Ipinaliwanag ni Jay-R na walang dahilan para magpakasal sila ni Irish dahil wala naman daw silang relasyon.

"Sa amin kasi, ‘yung pagkakaibigan namin, nabibigyan ng kulay. May mga ganung isyu na kami, sinasabayan lang namin. Hindi namin masyadong pinapatulan kasi mahirap. Kami, hindi kami takot makita ng tao kasi kapag nakikita nila kaming takot, ibig sabihin, meron," paliwanag niya.

Ano nga ba ang estado ng relasyon nila?

"Magkaibigan kami," diin niya. "Close kami. Inamin ko sa kanya na crush ko siya. Nagulat nga siya nung nalaman niya na gusto ko siya. "

Wala ba siyang balak sundan si Irish sa Amerika?

"Wala akong planong ganun," sagot ni Jay-R. "Ayusin ko muna ang buhay ko dito bago ako pumasok sa ibang mundo. Pamilya muna. Basta hindi ko pa alam kung anong mangyayari sa darating na panahon."

Tungkol naman sa career ng Top 6 PDA scholars, obviously na silang tatlo lang nina Yeng Constantino at Ronnie Liang ang tinututukan ng Big Dream Productions. Ano ang masasabi niya sa iba pa nilang mga kasama na sina Irish, Chad Peralta, at Panky Trinidad na tila napabayaan na ang mga career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakalungkot, sobra," pakli niya. "Nakaka-miss ‘yung dating bonding namin. Nagkaroon na kasi ng malalim na pagsasamahan, tapos biglang nawala ng ganun lang."

Aminado si Jay-R na nakaapekto sa career ng mga kasamahan niya ang mga negatibong isyu gaya ng problemang na-encounter ng grupo sa unang pagtatanghal nila sa Amerika, kung saan nagkalat diumano sila sa isang hotel dun.

"Masasabi ko na, oo. Nakaapekto siya. Pero lahat kasi depende sa mga tao. Sa ngayon, marami nang nangyari. Sa tinagal, maraming naganap. Nakakagulat. Sa ngayon, may kanya-kanyang buhay na kami. Dahil nawala na sila, hindi na talaga kami grupo. Tatlo na lang kami," may bahid na kalungkutang pahayag niya.

First teleserye ni Jay-R Siaboc ang Pangarap na Bituin, kung saan gagampanan niya ang papel bilang pinsan ng lead actor na si Jericho Rosales. Hindi naman niya ni-reveal kung good or bad ang kanyang karakter dahil may twist pa raw ito. Excited ang baguhang singer dahil sa dami ng stars ng ABS-CBN, ay nabigyan pa siya ng pagkakataon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN