'Ghost buster' Gretchen Barretto takes a swipe at 'ghost writer' sister Marjorie

IMAGE @juansarte / @marjbarretto on Instagram

On Sunday, August 11, Gretchen Barretto changed her Instagram bio to 'Ghost Buster' after Marjorie Barretto changed hers to "Ghost Writer."


Tila patuloy sa social media ang patutsadahan ng magkapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto laban sa isa't isa. 

Ngayon araw, August 11, marami ang nakapansin nang palitan ni Gretchen ang kanyang Instagram bio ng "GHOST BUSTER" na may kasamang ghost at zombie emojis.

Gretchen Barretto

Ayon sa netizens, ito ang sagot ni Gretchen sa ginawang pasaring ng kanyang nakababatang kapatid na si Marjorie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang umaga na pinalitan ni Marjorie ang kanyang Instagram bio ng "Ghost Writer."

Marjorie Barretto

Ito ay tila kaugnay ng akusasyon ni Gretchen tungkol sa anak ni Marjorie na si Julia na diumano'y nag-hire ng ghost writer para sa matapang nitong pahayag laban kay Bea Alonzo noong  August 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umalma si Julia sa diumano'y pailalim na paninira sa kanya ni Bea sa social media sa pamamagitan ng pag-like nito sa mga "harmless photos" na nag-uugnay sa kanya at kay Gerald Anderson.

Si Bea rin daw ang naging dahilan upang madawit si Julia sa problema ng dating magkasintahan.

Simula pa lang ng kontrobersiya ay hayagan na ang pagsuporta ni Gretchen sa dati nitong Magkaribal co-star na si Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang oras makalipas i-post ni Julia ang kanyang statement, hindi napigilan ni Gretchen ang sarili na magbigay ng komento hinggil sa isyu.

Komento ni Gretchen, "THE FACT THAT THEY HIRED A GHOST WRITTER FOR THIS POST IS HILARIOUS & MAKES HER SOUND DESPERATE TO SALVAGE WHATEVER IS LEFT." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close