Maja Salvador tries singing in "Pangarap Na Bituin"


"Meron naman po akong background sa pagkanta, even before po akongmag-artista. Pero meron po talaga akong takotminsan. Pero marami rin po ‘yung mga taong nagsasabi na, ‘Sige na,kumanta ka na, kaya mo naman, e.' So, sa kanila po ako kumukuha nglakas ng loob," reveals Maja Salvador about her singing role in Pangarap Na Bituin.



Si Maja Salvador ang gumaganap bilang si Ruby at ang pinakabunso sa Jewel Sisters sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Pangarap Na Bituin.



Bukod sa pag-arte ay kilala rin si Maja sa husay niya sa pagsayaw. Pero this time, makiki-birit din siya sa kantahan with Rica Peralejo and Sarah Geronimo. Dahil sa pangyayaring ito, alam daw niya na hindi lahat ay happy sa pagbibigay sa kanya sa naturang role.



"Siyempre, may mga konting negative, pero mas maraming positive. Talagang lakasan lang po ng loob. Actually, ‘yung pagiging singer ko po rito, talagang bigla lang talaga akong napaoo. Hindi ko na kailangang kumawala, parang ganoon," natatawa niyang sabi sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pangarap Na Bituin last August 23.


Kumukuha si Maja ng lakas ng loob sa mga taong may tiwala sa kanya bilang singer.



"Meron naman po akong background sa pagkanta, even before po akong mag-artista," rebelasyon ni Maja. "Pero meron po talaga akong takot minsan. Pero marami rin po ‘yung mga taong nagsasabi na, ‘Sige na, kumanta ka na, kaya mo naman, e.' So, sa kanila po ako kumukuha ng lakas ng loob."



Alam daw ng young actress na meron talagang kumukuwestiyon kung bakit siya napasama sa cast ng Pangarap Na Bituin since sina Sarah at Rica ay kumakanta talaga.



"Marami talaga," sambit ng dalaga. "Meron naman talaga, pero ‘yung iba naman, parang ‘Ikaw kakanta?' Kaya ako po, sinasabi ko na lang, pakunwari na, kahit ako nga rin, hindi ako makapaniwala na kakanta ako.



"So, kapag may oras, talagang sineseryoso ko ang pagkanta. Kapag may dumating na CD sa bahay, pag-aaralan ko po kaagad. Kasi po, kumbaga, tinanggap ko ang challenge na ito, so kailangan kong gawin na mabuti," paliwanag ni Maja.



Samantala, sinabi ni Maja na zero pa rin daw ang love life niya hanggang ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala talaga, sero. Ayaw na nilang umaligid!" natatawa niyang sabi.

"'Yung iba, nandiyan pa, ‘yung iba naman, ayaw na," sabi ni Maja na ang tinutukoy ay ang kanyang mga manliligaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN