Gerald Anderson hopes to be a "better man" after controversy

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson remains optimistic amidst controversy: “Sa daming negativity, alangan ako maging nega din ako, di ba?"


“Ang importante doon is we learn something from all of this.”

Bahagi ito ng pahayag ni Gerald Anderson tungkol sa pinagdadaanang kontrobersiya kaugnay ng hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo.

Nakausap si Gerald ng ilang entertainment press sa isang fun run na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City, nitong August 11, Linggo.

Kumusta na ba si Gerald ilang linggo pagkatapos ng isyu?

“Better now. Better now.

“Malaking bagay yung training, malaking bagay na nalagay sa perspective yung mga bagay-bagay, so very happy, but malaking tulong...” sabi ng 30-year-old actor sa interview na ipinost sa Facebook page ng Tonight With Boy Abunda.

Sumailalim si Gerald sa three-day training bilang reservist ng Armed Forces of the Philippines.

Kasama niyang nag-training ang co-stars niya sa upcoming ABS-CBN series na A Soldier's Heart na sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Jerome Ponce, at Yves Flores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GERALD HOPES TO BE A BETTER MAN

Ayaw raw bumigay ni Gerald sa kabila ng pambabatikos na natanggap niya kaugnay ng isyu.

“Sa daming negativity, alangan ako maging nega din ako, di ba?

“The only way to fight negativity is being positive, and with positive thinking, positive vibes, and doing something positive also…

“So siyempre, ang daming mga negative energy, and if you channel that in the right way, may magagawa kang mabuti.

“So, yun ang goal ko—to come out a better man and a better person.”

Ayon pa kay Gerald, sa kabila ng pamba-bash sa kanya, mas nag-aalala raw siya para sa mga taong mahal niya na nadadawit dahil sa isyung kinakaharap.

“More than me, yung mga tao sa paligid ko, yung mga mahal ko sa buhay, yung pamilya ko, yun yung mas masakit, e.

“Kasi kung ako lang, okay lang. Sanay naman na ako.

“Pero mahirap yung mga pamilya ko.”

Sabi pa niya tungkol sa netizens, “Yung power of social media, puwede siyang maging kakampi mo, puwede siyang maging weapon, so we have to use it in the right way.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sinabi ni Gerald na alam niyang may matututunan siya kabila ng isyung kinasangkutan.

“Just like anybody else, kapag may challenge na darating sa buhay mo, laging may natututunan tayo.

“Ang importante doon is we learn something from all of this.”

GERALD ANDERSON SPEAKS UP ABOUT THE ISSUE

Isang linggo na ang nakalilipas nang basagin ni Gerald ang kanyang katahimikan hinggil sa paghihiwalay nila ni Bea.

Sa kanyang August 5 interview sa ABS-CBN News, inilahad ng aktor kung bakit sila naghiwalay ni Bea.

Nagkakaroon na raw sila ng maliliit na away ni Bea, hanggang sa mangyari ang isang malaking away at doon ibinuhos ng aktres ang lahat ng sama ng loob nito kay Gerald.

"And then, yung realization na hindi na siya masyadong healthy and we’re just hurting each other. Ayawan na talaga,” sabi ng aktor sa interview.

Nilinaw rin ni Gerald sa kanyang panayam na walang katotohanan na si Julia Barretto ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalong umingay ang isyung si Julia ang third party sa hiwalayang Bea-Gerald matapos sumulpot sa social media noong July 21, Linggo, ang paparazzi shots nina Julia at Gerald na magkasama.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close