Anjo Yllana and Jackie Manzano faced with her high-risk pregnancy


Celebrity couple Anjo Yllana and Jackie Manzano face a serious dilemma. Jackie is now five-months pregnant with their fourth child, but she was diagnosed with heart problem that might endanger her life if she continues her pregnancy.



Mapapanood mamayang hapon, August 25, sa GMA-7 Startalk ang exclusive interview sa comedian na si Anjo Yllana tungkol sa maselang kalagayan ng kanyang asawang si Jackie Manzano, na kasalukuyang nasa Amerika.



Nagpa-interview si Anjo sa Startalk reporter na si Gorgy Rula noong Miyerkules, August 22. Iyak nang iyak si Gorgy habang ikinukuwento ni Anjo ang mabigat na problema na dinadala nila ni Jackie.



Five months pregnant si Jackie at base sa ultrasound test, baby boy ang sanggol na ipinagbubuntis niya.



Nagpunta sa Amerika si Jackie para magbakasyon pero habang naroroon, nagkaroon siya ng heart palpitations. Nang kumonsulta sa doktor si Jackie, saka lamang nito nalaman na may sakit siya sa puso at high-risk ang kanyang pagbubuntis kaya hindi na ito dapat ituloy.



Kung pipiliin ni Jackie na isilang ang bata, baka ang kanyang buhay ang maging kapalit.



Ayaw ni Jackie na ipalaglag ang bata. Hindi man namin nakausap ang asawa ni Anjo, alam namin na maraming "What if?" ang pumapasok sa kanyang isip.



Kung hindi niya itutuloy ang pagbubuntis, posibleng magkaroon siya ng guilt. What if nabuhay ang bata at kapwa sila nakaligtas sa life-threatening condition?



Ayon kay Gorgy, hindi na uuwi ng Pilipinas si Jackie at susundan na lamang siya doon ni Anjo.



Sa interview kay Anjo, pilit nitong pinigil ang pagpatak ng kanyang mga luha pero kitang-kita sa mukha niya ang kalituhan dahil sa kalagayan ni Jackie at ng kanilang would-be fourth baby.



Naniniwala kami sa himala at sa bisa ng taimtim na pagdarasal kaya hinihiling namin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) readers na ipagdasal si Jackie at ang magiging anak nila ni Anjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN