Geneva Cruz posts photos with Filipino-American boyfriend

IMAGE @genevacruzofficial on Instagram

Singer Geneva Cruz posts a series of photos of her with new boyfriend.


Matamis ngayon ang buhay pag-ibig ng singer-actress na si Geneva Cruz, 43.

Base ito sa ibinahagi niyang mga larawan nila ng kanyang boyfriend sa social media nitong weekend.

“My sweet,” simpleng caption ni Geneva sa series of photos and video nila.

Bumisita ang dalawa sa Gum Wall, isang sikat na tourist attraction sa Seattle, Washington, U.S.A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ipinost ng U.S.-based singer ang pagkakakilanlan ng kasintahan, pero binanggit ni Geneva sa comments section na isang Filipino-American ang lalaki at nakatira ito sa Virginia, U.S.A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Geneva ay kasalukuyang naninirahan sa Amerika kasama ang kanyang dalawang anak.

Ayon sa isang ulat noong 2015, si Geneva ay nagtatrabaho bilang isang nutritionist at spokesperson ng isang spa sa California.

Dalawang beses nang ikinasal si Geneva.

Una, sa drummer ng Introvoys na si Paco Arespacochaga sa Tahoe, Nevada, U.S.A. noong December 1995.

Nagkaroon sila ng isang anak, ang 22-anyos na ngayong si Heaven.

Na-annul ang kanilang kasal noong 2001.

Pangalawa, sa TV host na si KC Montero sa Seattle, U.S.A. noong 2004.

Naghiwalay sila noong 2010.

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Geneva ay si Lee Paulsen, isang Filipino-Australian.

Na-engage sina Geneva at Lee noong August 2013, pero wala pang isang taon ay nagdesisyon silang maghiwalay.

Nagkaroon sila ng isang anak na babae, ang limang taong gulang na si London.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close