Heart Evangelista recounts how she was bullied in school

IMAGE Noel Orsal

Heart Evangelista reveals she decided to stop going to school because of bullying.


Inalala ni Heart Evangelista, 34, ang mga pinagdaanang hirap noong estudyante pa siya dahil sa pambu-bully.

Naungkat ang pambu-bully kay Heart nang mag-guest siya sa YouTube channel ng social media influencer na si Mimiyuuuh.

In-upload ang video sa YouTube noong August 9, Biyernes.

HEART WAS BULLIED IN SCHOOL

Nagsimula ang usapan nang matanong si Heart kung paano niya nalampasan ang puberty stage.

Dito ay inilahad ang naranasang pambu-bully noon.

Kuwento niya, “Ang hirap kaya, kasi sa school binu-bully ako dati.

“Parang may line, 'tapos doon sa… pag kunwari ako yung huling tao sa line, yung susunod sa akin may gap, 'tapos dun ulit ila-line.

“'Tapos inuutusan nung mga magagandang girls yung classmates ko na huwag didikit sa akin, ganyan.”

Inamin ng Kapuso actress na dahil sa bullying kaya tumigil siya sa pag-aaral at nag-home school na lang.

Patuloy ng Kapuso actress, “Kaya rin ako nag-stop.

"Nag-home study ako, kasi hindi ko na kayang kumain sa C.R… kumakain ako sa C.R.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi nila ako bet, lalo na yung higher batch.”

Sinabihan si Heart ng mga kasama niya sa video na baka insecure sa kanya ang mga schoolmate  kaya pinagtutulungan siya.

“Hindi naman siguro. Charot! Hindi ko alam…” natatawa niyang sagot.

Binanggit din niya kung paano siya napasok sa showbiz.

“'Tapos umalis na ako ng school, nag-home school na lang ako.

"'Tapos tuluyan na akong tinamad, nag-artista na lang ako!” natatawa niyang kuwento.

Pinasok ni Heart ang showbiz sa edad na 13 noong 1998.

HEART EVANGELISTA RECEIVES AN APOLOGY FROM A FORMER BULLY

Isang taon na ang nakalilipas nang i-post ni Heart sa Instagram Story ang apology message mula sa isang dating schoolmate. 

Nag-sorry ito sa kanya dahil sa pambu-bully niya noon sa aktres.

Ani Heart sa caption: “This made me cry. You didn’t have to but I appreciate it so much.”

Bahagi ng message na ipinadala kay Heart, “I know it’s well in the past but I just thought I should apologize to you for all the bullying we put you through in school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We were assholes and we put you through a lot of crap. So I’m sorry you had to go through that."

Sa sumunod pang message ni Heart sa message sender, ipinost niya ang kanyang picture noong bata pa siya at may caption na, “You made this little girl very happy.”  


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close