Joshua Garcia's dream girl is "yung ikaw at ikaw yung pipiliin"

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia on what he learned after his failed relationship with Julia Barretto: "Sabi ko, mahalin ko muna ang sarili ko."


Natutunan daw ni Joshua Garcia ang kahalagahan ng tiwala at pagiging kuntento pagdating sa pakikipagrelasyon. 

Hindi na binanggit ni Joshua ang pangalan ng ex-girlfriend niyang si Julia Barretto. 

Sabi lang niya, "Natutunan ko na maging kuntento ako, kuntento ako sa kung anong meron ako.

"Yung tipong kahit na isang linggo kayo hindi magkita, ikaw at ikaw yung pipiliin." 

Nakapanayam si Joshua, kasama ng bagong leading lady niyang si Janella Salvador, sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay nitong Martes ng umaga, August 13. 

Magkatambal sina Joshua at Janella sa ABS-CBN prime-time series na The Killer Bride

Sang-ayon daw si Joshua sa pananaw ni Janella na mahalagang panghawakan ang "self-worth" kapag nasa isang relasyon. 

"Yun nga rin yung inaano ko, mina-master ko ngayon. Sabi ko, mahalin ko muna ang sarili ko."

JOSHUA'S DREAM GIRL 

Inusisa rin ng host na si Melai Cantiveros kung ano ang katangian ng "dream girl" ni Joshua sakaling magmahal ito ulit. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kasi akong arte sa babae, e," nakangiting sabi ni Joshua. 

Dagdag ng aktor, "Basta na-feel ko na love ko yung babae or type ko yung babae." 

Aminado rin si Joshua na dahil galing siya sa "broken family," may tendency na may katangian ng "mother figure" ang gusto niyang karelasyon. 

Nangingiting pag-amin ni Joshua, "Gusto ko yung aalagaan ako. Tagapunas ng pawis ko. Haha!

"Nakakalalaki lang masyado pagka pinupunasan yung pawis mo." 

"GAMER BOYFIE"

Si Joshua ay minsang tinawag ni Julia na "gamer boyfie" noong panahong magkasintahan sila. 

Ani Julia, kaagaw niya sa atensiyon noon ang pagkahilig ni Joshua sa paglalaro ng computer games. 

Naging sila ilang buwan matapos nilang magtambal sa pelikulang Vince & Kath & James

Matagal nang hinihinalang magkarelasyon sila, pero nitong April 3, 2019 lang nila kinumpirma na dalawang taon na silang magkasintahan

Pero lumalabas na naghiwalay sina Joshua at Julia noon ding buwan iyon, kung pagbabasehan ang pahayag ni Julia noong August 7 na "four months" nang walang sila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasangkot si Julia sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson, pero nang usisain si Joshua ukol dito ay pinili nitong huwag nang magsalita pa tungkol sa isyu. 


Stories We Are Tracking

Joshua Garcia on team-up with Janella Salvador:
Joshua Garcia on team-up with Janella Salvador: "I think this is the right time for us."
Janella Salvador admits talking to Julia Barretto, Joshua Garcia about ongoing controversy
Janella Salvador admits talking to Julia Barretto, Joshua Garcia about ongoing controversy
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo join soloista Joshua Garcia at after-party
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo join soloista Joshua Garcia at after-party
Joshua Garcia asked about Julia Barretto cheating allegations
Joshua Garcia asked about Julia Barretto cheating allegations


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close