DOLE probe on Eddie Garcia's death in final stage

IMAGE Cyrus Panganiban for YES!

Department of Labor and Employment says it has yet to complete its investigation on the accident that killed veteran actor-director Eddie Garcia last June 8, 2019.


Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pa naisasapinal ang imbestigasyon nito sa aksidenteng ikinasawi ng beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Ito ang kinumpirma ng DOLE central office ngayong Miyerkules, August 14.

Kaugnay ito ng napaulat na pahayag sa media ni Labor Secretary Silvestre Bello III, noong August 8, na wala umanong safety officer ang GMA Network sa lugar kung saan nagte-taping ang actor-director nang mangyari ang aksidente.

“There was lack of compliance with the requirement that in every activity there should be a safety officer,” pahayag ni Secretary Bello sa ulat ng philstar.com at inquirer.net.

“They didn’t have one. Otherwise, Eddie Garcia would not have died,” napaulat na idinagdag pa ng kalihim.

Nakasaad sa parehong report na nakausap ng media si Secretary Bello matapos ang forum ng DOLE noong gabi ng August 7.

Ayon pa sa dalawang ulat, ang deklarasyon ng kalihim ay base sa ginawang imbestigasyon ng Occupational Safety and Health Center (OSHC).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang OSHC ay attached agency ng DOLE.

June 22 nang napaulat na inatasan ni Secretary Bello ang OSHC na pangunahan ang imbestigasyon sa insidente.

“It is not the DOLE that will investigate but the Occupational Safety and Health Center, Executive Director Noel Binag. It's ongoing,” saad sa June 22 report ng Philippine News Agency na sinabi ni Secretary Bello.

PROBE NOT YET FINALIZED

Gayunman, sa impormasyong nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa DOLE ngayong Miyerkules, nilinaw na wala pang written at official report ang imbestigasyon ng kagawaran sa aksidente, dahil isinasapinal pa ito.

Nang tanungin kung ano ang pinagbasehan ni Secretary Bello sa kanyang sinabi sa media, sinabi ng DOLE na posibleng “assessment sa initial findings” sa imbestigasyon ang nabanggit ng kalihim.

Ayon pa sa DOLE, masusi nang ipina-finalize ang imbestigasyon simula noong nakaraang linggo.

Nilinaw rin ng central office na ang DOLE-National Capital Region ang nagsasagawa ng pagsisiyasat, katuwang ang OSHC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Batay naman sa impormasyong nakuha ng PEP.ph mula sa OSHC, napag-alamang matagal nang nakumpleto ng ahensiya ang bahagi nito sa imbestigasyon.

Tumangging pangalanan dahil hindi siya awtorisadong magsalita sa kaso, sinabi ng source mula sa OSHC na “kinompayl [compiled] lang namin yung ibang investigation.”

Sa naunang panayam sa isa pang taga-OSHC, iginiit na hindi saklaw ng mandato ng ahensiya ang mag-imbestiga sa mga aksidente sa lugar ng trabaho.

Sa website ng OSHC, nakasaad na itinatag ito upang magsagawa ng “research and training on matters pertaining to safety and health at work.”

Bilang attached agency ng DOLE, ang OSHC “provides the expertise and intervention mechanism to improve workplace conditions in the Philippines.”

Sinegundahan naman ng DOLE-NCR ang impormasyong nakuha ng PEP.ph mula sa OSHC.

DOLE’s INVESTIGATION PROCESS

Ayon sa nakausap ng PEP.ph sa DOLE-NCR, district field office ng kagawaran ang karaniwang nag-iinspeksiyon sa pinangyarihan ng mga aksidente sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng DOLE-NCR, kapag natapos na ang imbestigasyon ng district field office, iaakyat na ang kaso sa regional office para sa beripikasyon.

Ang regional office ang gagawa ng report, na pagbabatayan ng mga rekomendasyon na isusumite sa pinakamatataas na opisyal ng DOLE, kabilang si Secretary Bello.

Sa huli, ayon sa source, ang DOLE central office, partikular na ang tanggapan ng kalihim, ang magpapasya kung may paglabag sa Occupational Safety and Health (OSH) Law ang employer.

Naging batas noong 2018, layunin ng OSH Law o Republic Act No. 11058 ang matiyak na ligtas at nasa maayos na kondisyon ang working environment ng lahat ng manggagawa.

Si Secretary Bello rin, anang source, ang may go-signal sa pagsasapubliko ng mga resulta ng anumang imbestigasyon ng DOLE.

GMA COOPERATING WITH DOLE 

Samantala, sa huling official statement ng GMA Network nitong Biyernes, August 9, sinabing wala pa itong natatanggap na kopya ng “investigation results” ng DOLE.

Saad sa official statement ng network:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GMA Network fully supports the Department of Labor and Employment (DOLE)’s undertakings to ensure health and safety in the workplace. 

“Related to this, the Network has been cooperating in the labor investigation and has attended the meetings and submitted all necessary reports as required by DOLE and the Occupational Safety and Health Center (OSHC).

“The Network will respond to the DOLE when we receive its order and/or a copy of its investigation results.”

THE ACCIDENT THAT KILLED EDDIE GARCIA

June 8, 2019 nang napatid sa kable at nadapa si Eddie habang nagte-taping ng teleseryeng Rosang Agimat sa Tondo, Manila.

Nagtamo ng neck fracture ang 90-anyos na aktor at na-comatose.

Pagsapit ng June 20, tuluyan nang binawian ng buhay si Eddie.

Makalipas ang ilang linggo, nagpasya ang GMA Network na i-shelved na ang Rosang Agimat.

Dalawang araw matapos ang aksidente, June 10, sinabi ng GMA Network na magsasagawa ito ng sariling imbestigasyon sa aksidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

July 2 naman nang kumpirmahin ng network na natapos na nito ang internal investigation, pero humiling umano ang pamilya ni Eddie na sila muna ang makakita ng report bago ito isapubliko.

Nang mga panahong iyon, nagbabakasyon ang longtime partner ni Eddie na si Lilibeth Romero, at sinabing hindi pa nababasa ng pamilya ang report.

Hanggang ngayon ay hindi pa naisasapubliko ang resulta ng imbestigasyon ng GMA Network sa insidente.

THE ‘EDDIE GARCIA BILL’

Kasunod ng kinasapitan ng premyadong actor-director, nanawagan ang mga kapwa niya celebrities ng pagtiyak sa kaligtasan ng mga manggagawa sa workplace.

Nitong July, inihain sa Kamara ni 1-PACMAN Party-list Rep. Michael Romero, stepson ni Garcia, ang House Bill 191 (The Actors Occupational Safety and Health Standard Bill).

Tatawaging “Eddie Garcia Law,” inoobliga ng panukala ang pagkakaroon ng safety at medical personnel sa lugar ng trabaho tuwing working hours.

Magtatakda rin ng insurance coverage at standard na 8-12 working hours para sa mga manggagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aabot naman sa P100,000 multa kada araw, hanggang P1 milyon multa bawat araw at pagpapawalang-bisa sa prangkisa, ang parusa sa mga lalabag na employer.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close