Mainit na pinag-usapan sa social media at naging laman ng balita ang isyu ng transgender woman na si Gretchen Custodio Diez, 28.
Sa katunayan, trending pa rin sa Twitter ngayong Miyerkules, August 14, ang kaso ni Diez.
Nagsimula ito noong Martes ng hapon, August 13, nang pinigilan ng isang janitress si Diez matapos pumila sa restroom para sa mga babae sa isang mall sa Cubao, Quezon City.
Hinarap ni Diez ang janitress at nagsimulang i-video ang kanilang pag-uusap.
Pero hinila umano siya ng janitress papuntang security room, kung saan siya pinosasan.
Naka-upload sa social media ang kuhang video ni Diez, kung saan mapapanood kung paano siya nilait at hiniya ng janitress.
Dinala pa sa himpilan ng pulisya sa Cubao si Diez.
Sa development ng kaso kagabi, sinabi ng janitress na hindi na siya magsasampa ng reklamo laban kay Diez.
Subalit sinabi naman ni Diez sa interview na desidido siyang magsampa ng reklamo dahil sa ginawa sa kanya ng janitress.
Kaugnay ng isyung ito, nagpakita ng suporta ang ilang artista at pulitiko kay Diez.
ICE SEGUERRA RECOUNTS DISCRIMINATION IN USING PUBLIC RESTROOMS
Isang mahabang Instagram post ang ginawa ng singer-actor na si Ice Seguerra, 35, sa Instagram.
Dito ay ibinahagi ni Ice ang diskiriminasyong naranasan din niya noon sa paggamit ng banyo.
Simula niya, “Honestly, this is one of my biggest fears whenever I'm out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako.
“Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas.
“And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga pinoy.”
Kuwento pa ni Ice, “Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo.”
Nagsilbi si Ice bilang chairperson ng National Youth Commission noong 2016. Nag-resign siya noong March 2018.
Diin niya, “This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang.
“Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala.
“Para sa iba mababaw, pero hindi eh.
“Hindi mababaw yung pagtitinginan ka ng mga tao lalo na yung papalabasin ka.
“Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari yun and what's worse is I don't feel safe.
“All of these feelings and more, AND NOW THIS... just because gusto lang namin magbanyo.”
FRANKIE PANGILINAN FEELS FOR DIEZ
Hindi rin nakapagpigil na mag-tweet ni Frankie Pangilinan, panganay na anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.
Ni-repost ng 18-anyos na dalaga ang viral video kung saan nilalait si Diez ng janitress.
Sabi ni Frankie, hindi niya maunawaan kung paanong ang maliit na bagay ay humantong sa pang-iinsulto sa pagkatao ni Diez.
“this was unacceptable and i cant fathom how insult & injury can be thrown around so lightly at all, much less in a professional environment.
“i’m so sorry gretchen, my heart aches for you.
“nothing ever gives us the right to hurt others in this way. NOTHING,” tweet ni Frankie.
KALADKAREN ENRAGED BY DIEZ’S CASE
Sunud-sunod naman ang birada ng ABS-CBN TV host na si KaladKaren, a.k.a. Jervi Li, sa Twitter sa sinapit ni Diez.
Isa sa tweet ni Kaladkaren: “Lalaban tayo, Gretchen!!! Kapit lang! This has to stop!!! Outright discrimination!!! NAKAKAGALIT”
Sumunod pa niyang tweet: “HORRIFYING! Barbaric! To all the members of the LGBTQIA+ community, kapag inaapakan ang karapatan ninyo bilang isang tao—-Umalma, magsalita, lumaban! Maraming mga handang tumulong sa inyo. Kapit-kapit tayo! #ResistTogether”
Kabilang naman sa mga pulitiko na kumondena sa sinapit ni Diez ay sina Bataan 1st District Representative Geraldine Roman, na isa ring trans woman, at si Senator Risa Hontiveros.
Ipinangako ni Roman na paiimbestigahan niya ang ginawang diskriminasyon kay Diez.
Idinaan naman ni Hontiveros sa Twitter ang pagkondena niya sa insidente.