Ken Chan says ghosting is not really a bad thing

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan: "Ginhost ka, ibig sabihin hindi ka tumagal sa tao na yun, merong nakalaang para sa iyo."


Ayaw makigulo ni Ken Chan sa kontrobersiyang hiwalayan ng celebrities na pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz.

Ngunit inamin ng Kapuso actor na naranasan na niya ang ma-ghosting.

Ang "ghosting" ay millennial term sa pakikipaghiwalay nang hindi man lang nagpapaalam o biglaang pangdi-deadma at hindi pakikipagkomunikasyon sa isang karelasyon.

Pahayag ni Ken, “Ay, naranasan ko yun! Ako yung ginhost.

“Ganun talaga, ibig sabihin, hindi pa siya matured.

“And buti na lang na nangyari yun.”

Ayon pa sa 26-year-old actor, minsan ay may kabutihan ding naidudulot ang ghosting.

Aniya, “Actually, alam niyo, huwag nating gawing negative yung ghosting.

"Gawin nating positive, di ba?

“Kasi ginhost ka, ibig sabihin hindi ka tumagal sa tao na yun, merong nakalaang para sa iyo.

“Maaga pa lang nalaman mo na yung ugali niya so nakaligtas ka. So, blessing in disguise.

“So, yung ghosting na 'yan, pasalamat tayo na may nanggu-ghost sa atin dahil meron tayong natutunan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa launching ng kanyang bagong protection eyeglasses at polarized sunglasses eyewear collectio,  katuwang ang Peculiar Eyewear, na ginanap sa Romulo Café, Quezon City, noong Huwebes, August 8.

Ang affordable eyewear collection ni Ken ay available na sa Lazada.

ONE OF THE BAES

Hindi rin nababakante sa kanyang mga proyekto sa GMA-7 si Ken.

Pagkatapos ng My Secial Tatay, bibida naman sila ni Rita Daniela sa upcoming primetime series ng network na One of The Baes.

Saad niya, “Sobrang happy ako dahil after My Special Tatay sa amin ni Rita Daniela, meron kaming bagong gagawin na teleserye.

“Sobrang happy kami kasi nag-trust sa amin ang GMA ulit at inilagay kami sa primetime, so mapapanood niyo ang One of The Baes gabi-gabi sa GMA.

“And happy din kami kasi biniyaan din kami ng magagaling na aktor.

"Makakasama namin dito si Mr. Roderick Paulate, Miss Amy Austria, Melanie Marquez, Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon, Maureen Larrazabal, Joyce Ching, Archie Alemania, Kenneth Medrano, at si Rita.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang One of The Baes ay isang romantic comedy na kung i-describe ni Ken ay isang millennial fairy-tale.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close