Ellen Adarna not expecting financial support from John Lloyd Cruz, says source

IMAGE Courtesy: @vania_carey / @dumpsitegallery on Instagram

According to a source, Ellen Adarna is not expecting financial support from John Lloyd Cruz: "Hindi naman kailangan. Mayaman si Ellen. I don’t think issue nga yun."


Hindi raw kailangan ni Ellen Adarna ng financial support mula kay John Lloyd Cruz ngayong napababalitang hiwalay na sila.

Isang source na malapit kay Ellen ang nagbahagi ng impormasyong ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng text messaging, ngayong Miyerkules, August 14.

Pahayag ng source, na nakiusap na huwag siyang pangalanan: “Hindi naman kailangan.

“Mayaman si Ellen. I don’t think issue nga yun.

“I don’t think nga kung pinag-uusapan pa yun kasi mas mayaman naman si Ellen kay Idan [John Lloyd].”

Kinumusta rin ng PEP.ph sa source si Ellen ngayong nauwi sa hiwalayan ang relasyon nito kay John Lloyd pagkatapos ng halos dalawang taon.

Tugon ng source, “Si Ellen, hindi talaga ma-issue 'yan.

“Kaya na niyang mag-move on kaagad.

“Kaya hindi 'yan bothered sa nangyayari.

“At least, focus siya kay Elias.”

Si Elias ang isang-taong gulang na anak nina Ellen at John Lloyd.

Sanay raw si Ellen sa malalaking kontrobersiya sa showbiz at ayon nga sa malalapit nitong kaibigan, “deadmadela” lang ang sexy actress kapag nahaharap sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo na raw ngayong isa na siyang ganap na ina at kasama nito ang kanyang pamilya sa Cebu.

Dagdag pa ng source, “Yeah, and andun ang pamilya niya.

“Maghanap ka ng makakausap mo tungkol kay Idan. Baka mas affected [yun].

“Kasi, siya yung walang anak at asawa.

“Si Ellen naman, nasa pamilya niya.”

Isa sa mayayamang angkan sa Cebu ang pamilya ni Ellen, na nagmamay-ari ng Queensland chain of motels na may branches sa Manila, Cebu, at Davao.

COOL MOM

Ayon pa sa source, kalma lang si Ellen ngayon at nakatuon ang oras nito sa pagiging ina sa anak.

“Peaceful naman siya. Busy kay Elias.

“Puro usapang mommy lang, like, ‘Anong pasok ni Elias? If, mag-music class ba siya? Or play class,’” pagbabahagi ng source sa usapan nila ni Ellen.

Paliwanag ng source, hindi totoong eskuwelahan ang pinapasukan ng anak ni Ellen kundi isang institution kunsaan sinasanay ang mga bata na makihalubilo sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman kung may posibilidad na magkabalikan sina Ellen at John Lloyd, sinabi ng source na hindi niya ito masasagot.

Unang lumabas ang ulat na hiwalay at co-parenting na lamang ang status nina Ellen at John Lloyd noong August 5.

Kasunod nito, lumabas ang balitang diumano'y pagsampa ni Ellen sa korte ng Temporary Protection Order laban sa aktor.

Sa gitna ng mga isyung ito, wala pang direktang pahayag sina Ellen at John Lloyd.

Mananatili namang bukas ang PEP.ph sa pahayag at paglilinaw ng dalawa kaugnay ng artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close