Diego Loyzaga makes his presence felt in Twitter

IMAGE Diego Loyzaga on Twitter

A picture of happiness: Actor Diego Loyzaga recently posted photos of him and mom Teresa Loyzaga on Twitter after not being visible for quite a while.


Muling nagparamdam si Diego Loyzaga sa Twitter nitong weekend nang i-post niya ang mga larawan nila ng inang si Teresa Loyzaga.

Tatlong close-up shots nilang mag-ina ang in-upload ni Diego nitong August 10, Sabado.

Bakas sa mukha ng mag-ina ang kasiyahan.

Simpleng caption dito ng 24-year-old actor: “Mum [heart emojis]”

Kapansin-pansing unti-unti nang mas nagiging personal ang pagpaparamdam ni Diego sa Twitter nitong mga nakalipas na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago kasi ito ay tila random ang mga tweet ni Diego, katulad na lang ng ini-endorse niyang sapatos.

Bago rin ito, ang pinakahuling ipinost niya noong June 29 ay isang larawan na tila kuha sa Camiguin.

Gayunpaman, medyo malayo ang kuha roon ni Diego.

DIEGO ON SHOWBIZ COMEBACK

Wala pang katiyakan kung kailan magbabalik-showbiz si Diego, pero nabanggit ni Teresa sa isang panayam noong July 2019 na hindi iiwan ng kanyang anak ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I promise you, the day will come, when he returns, hindi namin kayo bibitinin, hindi namin kayo pagsusuwapangan ng panahon, ng oras, at talent,” sabi ng aktres sa July 1 episode ng ABS-CBN daytime talk show na Magandang Buhay.

Dugtong niya, “Babalik siya. And pagdating ng araw na iyon, happy na again…”

Sabi pa ni Teresa sa planong babalik sa showbiz si Diego, “Ayaw namin kayong i-let down.

"Soon. Soon we will be able to give you a date, and we will be able to say yes.”

Sinabi rin ni Teresa sa interview na nagdesisyon si Diego na lumayo muna sa social media para hindi makabasa ng mga negatibong komento.

DIEGO’S ABPRUPT ABSENCE FROM SHOWBIZ

November 2018 nang pumutok ang balitang diumano’y attempted suicide ni Diego.

Gayunpaman, hindi direktang nagbigay ng pahayag ang kampo ng aktor hinggil dito.

Kasunod ng balitang pagkaka-ospital ni Diego ay ang biglang pagkawala ng kanyang karakter sa ABS-CBN afternoon teleseryeng Los Bastardos. Kalaunan ay pinatay na ang kanyang karakter sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay hindi na rin muling namataan si Diego sa mga showbiz event.

Hindi naging partikular ang kampo ni Diego tungkol sa kanyang mga pinagdaanan, subalit sa episode ng Magandang Buhay ay nagsalita si Teresa tungkol sa depression.

Tinanong noon si Teresa tungkol sa pinagdaanan ni Diego.

Sagot ng aktres: “Actually, hindi ko isesentro na si Diego lang, ‘no.

“Parang napansin ko lang sa society natin, hindi masyadong napag-uusapan ang depression.

"At the more na hindi natin ito pinag-uusapan, the more hindi natin ito maiintindihan."

Ang depresyon ay seryosong usapin, kaya naman mayroong mga organisasyong handang tumulong sa mga taong nakararanas ng kondisyong ito.

Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation.

Narito ang kanilang hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close