Ethel Booba claps back at netizen who said she went under the knife for acceptance

IMAGE Ethel Booba, Gretchen Diez on Facebook

Ethel Booba (left) answers her Twitter follower who said she went under the knife for acceptance, the way LGBTQ+ wanted their rights to be recognized following the harassment incident against trans woman Gretchen Diez (right).


Sinagot ni Ethel Booba ang isa niyang Twitter follower na nagsabing nagparetoke ang comedienne upang makuha ang acceptance ng publiko—ang parehong pagtanggap na ipinaglalaban ngayon ng LGBTQ+ sa bansa.

Martes ng gabi, August 13, nang nag-tweet si Ethel ng kanyang reaksiyon sa pag-aresto sa trans woman na si Gretchen Custodio Diez sa isang shopping mall sa Quezon City.

Martes ng hapon nang hiniya at kinaladkad ng janitress ng mall si Diez, 28, matapos siyang pigilang pumasok sa restroom para sa mga babae.

Ang insidente ay batay sa video na kuha mismo ni Diez sa insidente, at kumalat sa social media simula nitong Martes.

Kasunod nito, nagkani-kanyang reaksiyon sa social media ang ilang personalidad, kabilang ang ilang celebrities at pulitiko.

Kinondena nila ang sinapit ni Diez, at nanawagan ng proteksiyon para sa mga miyembro ng LGBTQ+ community kontra diskriminasyon.

Sa kanyang tweet kinagabihan makaraang pumutok ang balita, sinabi ni Ethel na naiilang ang mga lalaki kapag may trans woman na pumasok sa restroom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin naman kumportable ang mga trans woman sa ganitong sitwasyon, kaya makabubuti, aniya, kung may sariling restroom ang mga LGBTQ+.

Tweet ni Ethel: “Karamihan ng straight na lalaki naiilang sa CR kapag pumasok ang transwoman.

“Uncomfortable din sa mga transwoman na mag CR na tinitingnan sila ng mga naiilang na lalaki.

“Kaya tama lang na gawan ng sariling CR ang mga beki at tibum basta walang glory hole. Charot!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umani ng sari-saring komento ang nasabing tweet ni Ethel, na hanggang ngayong Huwebes ay umabot na sa sanga-sangang debate tungkol sa “acceptance” at “segregation.”

Sa isa pang tweet ni Ethel, sinabi niyang ang pagkakaroon ng sariling restroom para sa LGBTQ+ ang naisip niyang solusyon “for the meantime.”

Katuwiran niya, hindi madali para sa publiko ang agad na lubusang tanggapin ang LGBTQ+ dahil “nasa transition pa lang yung society natin.”

Paliwanag ni Ethel: “Acceptance is the main solution but we cannot force people to change it over night.

“Kulang ang ilang taon dahil di lahat open minded.

“Since nasa transition pa lang yung society natin ng acceptance pwede din yang solution for the meantime. Charot!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang sinasagot ni Ethel nang punto-por-punto ang ilan niyang follower, isang Twitter user—na miyembro ng LGBTQ+—ang nagkumpara sa usapin ng acceptance sa pagpaparetoke ni Ethel.

Pumalag kasi ang nasabing netizen sa opinyon ni Ethel na mas mainam kung may hiwalay na restroom ang LGBTQ+.

Tweet ng follower ni Ethel: “Isipin mo na lang Ethel na bago ka magparetoke, nandun ka sa grupo ng mga taong kulang sa kumpiyansa, and what you just want ay mapabilang sa mga taong confident sa sarili nila so nagparetoke ka dahil yun lang ang way mo to boost your confidence."

Sagot ni Ethel: “This is different case gurl coz I didn't force anything on anyone.”

Sinabi ng comedienne na bagamat retokada siya, nasa publiko pa rin ang desisyon kung tatanggapin siya ng mga ito o hindi.   

“Yes, I surgically overhaul myself and that's it,” karugtong na tweet ni Ethel.

“It's still up to others whether they accept me or not. Charot!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaagad namang nilinaw ng netizen ang ginawa niyang pagkukumpara.

Paliwanag ng Twitter user: “Ginawa kong comparison yun kasi hindi niyo naman kami maiintindihan kung hindi niyo naman dinadanas.

“Like racism, hindi mo alam yung eksaktong feeling unless ikaw mismo makaranas..

“Depression, akala mo ganun lang pero you don't know kasi hindi ka medically depressed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na sumagot si Ethel sa serye ng paliwanag ng netizen, na nagpasalamat na lang sa pagsagot ng comedienne sa kanyang unang tweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2009 nang aminin ni Ethel sa isang TV interview na nahumaling siya sa cosmetic surgery.

Batay sa nasabing panayam, sampung taon na ang nakalipas, kabilang sa mga ipina-enhance ni Ethel ang kanyang ilong at pisngi.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close