Did Super Sireyna winner, Miss Q&A finalist allude to Senator Tito Sotto's "homo sapiens" comment?

IMAGE Francine Garcia and Anne Patricia Lorenzo on Facebook

Super Sireyna 2013 Francine Garcia (left) and Miss Q&A grand finalist Anne Patricia Lorenzo (right) weigh in on the Senate's discussion about the plight of LGBQUIA+. Are their posts alluding to Senator Tito Sotto's comment about calling LGBTQIA+ members "homo sapiens?"


Nag-react ang ilang celebrity transgenders at miyembro ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual plus) community kasunod ng pagtalakay sa Senado ng SOGIE Bill.

Ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) ay kilala rin sa tawag na anti-discrimination bill.

Tinalakay sa Senate hearing ang SOGIE Bill nitong August 14, Miyerkules, bunsod ng isyu ni Gretchen Custodio Diez, isang trans woman.

Naging laman ng mga balita si Diez dahil sa naranasang diskriminasyon sa isang mall sa Cubao, Quezon City, nitong August 13, Martes.

Dinala si Diez sa security room ng mall, pinosasan, at nakaranas ng pang-aalipusta nang dahil sa kagustuhan nitong gamitin ang restroom ng mga babae. 

SENATOR TITO SOTTO’S "HOMO SAPIENS" SUGGESTION

Sa hearing sa Senado, nakaagaw ng atensiyon si Senate President Vicente "Tito" Sotto III matapos niyang imungkahing “homo sapiens” na lang ang itawag sa mga kasapi ng LGBTQIA+ community.  

Homo sapiens ay scientific name para sa sangkatauhan. Ito ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay "wise man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Why that lengthy letters? Why not just homo sapiens?

"We are all the same. Why do we have to segregate the gays from the lesbians, straight guys?" reaksiyon ni Sotto sa ginawang privilege speech ni Senator Risa Hontiveros, na tumalakay sa diskriminasyon ni Diez.

Ipinaliwanag ni Hontiveros ang kahulugan ng LGBTQIA+.

Sabi ng senadora, hindi kailangang i-segregate ang mga tao kung walang diskriminasyon.

Hindi naman nakaligtas sa netizens at miyembro ng LGBTQIA+ ang pahayag ni Sotto na nag-trending sa Twitter ngayong Huwebes.

Magkahalo ang opinyon ng netizens sa pahayag ni Sotto.

At idinidiin ng mga bumabatikos sa kanya ang hindi raw pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng senador tungkol sa LGBTQIA+.

Isa si Senator Sotto sa mga hindi pumapabor sa SOGIE Bill, gayundin sina Senators Manny Pacquiao at Joel Villanueva, base sa ulat na nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 2018.

TRANSGENDERS SUPPORT

Samantala, ilang transgender celebrities ang nag-react sa eksena sa Senado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang na rito ang actress-beauty queen na si Francine Garcia.

Post sa Facebook ni Francine:

"SANA SA SUSUNOD MAGKAROON NG REPRESENTATIVE ANG BAWAT IS[A] SA LGBTQIA+ SA SENATE HEARING PARA MAKITA NILA ANG DIFFERENCE NG BAWAT ISA KASI HINDI NAMAN MAIINTINDIHAN AT HINDI IINTINDIHIN HANGGAT HINDI NASA HARAPAN NILA"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Coincidentally, noong 2013 ay hinirang si Francine bilang grand winner ng "Super Sireyna," ang gay beauty pageant ng noontime show na Eat Bulaga!, kung saan isa sa hosts si Senator Tito.

Matapang din ang naging pahayag ni Anne Patricia Lorenzo, grand finalist ng "Miss Q&A 2019," ang beauty pageant ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumali rin noon sa "Super Sireyna" si Anne Patricia.

Post sa Facebook ni Anne Patricia (published as is):

"How ironic na ang isang senador na host ng isang noontime show na nag papacontest para sa mga alternatives/transgender woman ay ang unang pumapalag sa pag sasabatas ng batas na po protekta sa aming karapatan pang tao..

"so ang lagay for entertaiment lang ang tingin ninyo sa amin at pang sagip lang sa rating sa show ninyo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi man pinangalanan ang senador at ang noontime show, binanggit ng netizens na malinaw na ang tinutukoy ni Anne Patricia ay si Senator Tito at ang Eat Bulaga!

Sa komento pa ni Anne Patricia, nagpahaging din ito tungkol sa pagkakaroon ng taliwas na prinsipyo ng isang haligi ng show sa kung ano ang ipinu-promote ng kanyang kinabibilangang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga artista ring nauna nang kinondena ang pagdi-discriminate kay Gretchen, kabilang sina Vice Ganda, Ice Seguerra, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Bianca Gonzalez, Frankie Pangilinan, at KaladKaren.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close