Bea Alonzo "blooming" amid breakup controversy with Gerald Anderson

IMAGE Courtesy: Jennifer Cruz Adriano on Facebook

Rosanna Roces says co-star Bea Alonzo is "blooming."


Balik-trabaho si Bea Alonzo matapos ang kontrobersiya kaugnay ng hiwalayan nila ni Gerald Anderson.

Kahapon, August 14, rumolyo na ang mga kamera para sa pelikulang pagsasamahan nila nina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban.

Kasama rin sa cast ang beteranang aktres na si Rosanna Roces, na gaganap na ina ni Bea sa pelikula.

Sa kanyang Instagram at Facebook, inanunsiyo ni Rosanna na siya ay "#TeamBea," ang isa sa mga hashtags na sumikat noong kasagsagan ng break-up issue nina Bea at Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isa pang hashtag ay ang #TeamJulia, na tumutukoy sa third party diumano sa breakup na si Julia Barretto.

BLOOMING BEA

Sa Facebook private messaging, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rosanna kung kumusta si Bea sa set ng pelikulang pinagsasamahan nila.

Sabi ni Rosanna tungkol kay Bea, “Hindi siya malungkot, blooming siya.”

Base sa larawang ipinost ni Rosanna, mababanaag sa mukha ni Bea na tila masaya at nagmu-move on na ito.

Pati sina Gerald at Julia ay nagmu-move on na rin sa isyu.

Marami ang umaasang huhupa na ang kontrobersiyang ito na nagsimula noong July 22, 2019 nang mag-post si Bea sa Instagram ng cryptic message tungkol sa panloloko.

Kalaunan, nakaladkad ang pangalan ni Julia, na namataan ng netizens na kasama ni Gerald na dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa The Fort, Taguig City.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close