Pauleen Luna's brother left home for two months


"We were shocked to learn na naglayas pala 'yung kapatid ko. Hinanap namin siya sa mga kaibigan niya, pero hindi namin siya makita. Hanggang sa nag-give up na lang kami. Naisip na lang namin na babalik siya," narrates Pauleen Luna about her brother who ran away from home.



Medyo nakaka-relate pala si Pauleen Luna sa tema ng My Kuya's Wedding. Tungkol kasi ito sa magkapatid na very close hanggang sa biglang mawalay ‘yung isa at sobra ang pagkaka-miss nila sa isa't isa.



Nangyari na pala ang similar situation sa pamilya ni Pauleen nang maglayas ang 16-year old brother niya. Two months daw itong naglayas at hindi raw nila matagpuan. Nagulat na lang daw silang lahat sa bahay na basta na lang naglayas ito.



"We were shocked to learn na naglayas pala 'yung kapatid ko. Hinanap namin siya sa mga kaibigan niya, pero hindi namin siya makita. Hanggang sa nag-give up na lang kami. Naisip na lang namin na babalik siya.



"Naisip nga namin na nasa stage na 'yung brother ko na parang nagrerebelde siya. Gusto niyang maging independent. Gusto niyang gawin ang mga gusto niyang gawin at walang kokontra. Kaya siguro ang akala niyang magandang paraan for independence ay ang maglayas. So, ginawa niya nga," lahad ni Pauleen sa presscon ng My Kuya's Wedding.



For two whole months ay parati nilang iniisip kung saan nagpunta ang kanyang younger brother. Baka raw na-involve na ito sa masamang gawain o baka nagkasakit na ito at hindi nila alam kung saang lugar ito napadpad.



Totoo bang pakiramdam ng kapatid ni Pauleen na pabigat ito sa kanilang pamilya kaya ito naglayas?



"Walang ganun," sagot niya. "Kung sino ang naging pabigat, e, ako ‘yon!" tawa niya. "Hindi ba't ang daming intriga sa akin nun. Kulang na lang, ako ang maglayas kasi nahihiya ako sa parents ko ng dahil sa mga intriga.



"Pero yung brother ko, hindi siya pabigat. Nag-trip lang siyang maglayas, ‘yun lang. Pero ipinagdasal naming makauwi siya ng safe kasi we really missed him. Mahal namin ang isa't isa kaya noong mawala siya, parang ang lungkot ng bahay."



Narinig ng Diyos ang mga dasal ng pamilya ni Pauleen at isang araw ay bigla na lang umuwi ang kanyang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi na kami masyadong nagtanong sa kanya kung bakit siya umalis. Inalam lang namin kung kanino siya nakitira. For two months pala ay palipat-lipat siya ng bahay ng mga kaibigan niya. Siguro nahirapan na ring makisama kaya naisipang umuwi.



"Hindi na namin siya pinagalitan kasi he learned na his lesson na pinakaimportante pa rin ay ang pamilya. Kaya ngayon, di na siya naglalayas. Stay put na lang siya sa bahay namin," kuwento ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN