Bianca Gonzales generally welcomes KC Concepcion to ABS-CBN


"I get so uncomfortable to comment about her because wala ho talaga ako sa posisyon to comment about her. Alam mo yung people might think na bakit ako kumu-comment tungkol sa kanya, e, hindi nga talaga. Kini-clear ko ‘yon na I have no right to comment about her, therefore I will not comment about her," says Bianca Gonzales about KC Concepcion (inset).



Pagkatapos ng presscon/taping ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Pangarap na Bituin ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bianca Gonzales, na naroon bilang bahagi ng Entertainment Live. Sinubukan namin na kunin ang pahayag ni Bianca tungkol sa pananatili na sa Pilipinas at tuluyang pagpasok sa showbiz ng anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion.

Si Bianca ay ex-girlfriend ng young director na si Lino Cayetano, na naiuugnay naman ngayon kay KC.



"Why should I have a reaction?" medyo naiiritang sagot ni Bianca. "I don't have a reaction. I have no right to have a reaction. I get so ilang when people ask me to have a reaction about her because it's her own life and I respect her so much.

"I don't know her personally, so, I'm in no position to say anything. And ever since her mother has been a Kapamilya, so it's just natural that she's a Kapamilya, di ba?" diin niya.



Pero ayon kay Bianca, welcome na welcome sa kanya ang pagiging Kapamilya na rin ni KC tulad niya.



"Buong ABS-CBN iwe-welcome siya," sabi niya. "But I just want to make it clear that I get so uncomfortable to comment about her because wala ho talaga ako sa posisyon to comment about her. Alam mo 'yung people might think na bakit ako kumu-comment tungkol sa kanya, e, hindi nga talaga. Kini-clear ko ‘yon na I have no right to comment about her, therefore I will not comment about her.



"I realy don't know KC personally. But what I know she's a very private person. Unlike me na kahit private ako, kahit paano meron akong obligation to ask kasi trabaho ko ‘to," paliwanag ni Bianca bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN