Diether Ocampo to handle camera for Kristine Hermosa's sexy pictorial


"She wants to go more daring this time, pero gusto niyang paghandaan nang husto. When she's ready, puwede na kaming mag-pictorial. I'll be the one to shoot her, because she can only do it with a photographer she can trust," says Diether Ocampo about Kristine Hermosa's very first sexy pictorial.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Diether Ocampo sa presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic noong August 21 sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg ng ABS-CBN.

Ibinalita ng aktor na lalabas sa Uno magazine ang kanyang misis/kasintahan na si Kristine Hermosa. Hindi lang matiyak ni Diether, isa sa mga publishers, kung this year or early next year lalabas si Kristine.



"She wants to go more daring this time, pero gusto niyang paghandaan nang husto. When she's ready, puwede na kaming mag-pictorial. I'll be the one to shoot her, because she can only do it with a photographer she can trust," sabi ni Diether.



Wala pang naiisip na concept si Diether kung paano niya isu-shoot si Kristine, pero sisiguraduhin daw niyang maganda itong lalabas. Ayaw i-disappoint ng aktor ang fans ni Kristine na matagal nang naghihintay na makita siya sa men's magazine.



Nothing to worry din ang fans ni Kristine sa kakayahan ni Diether dahil matagal na itong photographer. In fact, nagkaroon siya ng photo exhibit sa Rockwell Tent sa launching ng Coke Lite last year. Celebrities at mga bata ang kadalasang subjects ni Diether.



Aside from Kristine, gusto ring i-cover ni Diether sa Uno si Angel Locsin na first time niyang nakita sa ASAP ‘07 nang i-welcome ito ng ABS-CBN. Pinansin ang ginawa niyang pagyakap dito, dahil ang ibang Kapamilya stars ay kinamayan lang ang dalaga.



"That's the proper way to welcome her, ang yakapin siya. Ang lahat, pare-pareho ang sinabi. With regards to Uno, I will personally ask her to pose for the mag," ani Diether.



Sino pa ang naiisip niyang posibleng mag-cover sa magazine niya from either ABS-CBN or GMA-7?



"Wala pa akong naiisip sa Kapamilya stars, pero sa GMA, gusto ko si Iza Calzado. Susubukan ko siyang kausapin at sana pumayag."



Samantala, in-offer din kay Diether ang role na tinanggihan ni Dingdong Dantes sa horror film na Dagao ng GMA Films mula sa direksiyon ni Chito Roño. Gusto raw gawin ni Diether ang project dahil bukod sa maganda ang kanyang role, kaibigan niya si Direk Chito mula nang gawin nila ang La Vida Rosa with Rosanna Roces. Pero sa kasamaang-palad ay hindi pinayagan si Diether na gawin ang naturang proyekto for some reasons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN