Dingdong Dantes says Karylle understands onscreen romance with Marian Rivera


"Hindi kami nagkakalabuan ni Karylle. Siguro dahil nga hindi naman kamivocal sa nangyayari sa amin, akala nila, ganoon na nga. Lack of timelang po talaga ang problema ko kaya hindi kami talaga nagkikita niKarylle nang madalas," explains Dingdong Dantes about the status of his relationship with girlfriend Karylle.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa lobby ng GMA Network Center pagkatapos ng maramdaming joint birthday celebration nina Ogie Alcasid at Mother Lily Monteverde sa SOP kahapon, August 26. Inusisa namin mula kay Dingdong kung totoong nagkakalabuan na sila ng girlfriend niyang si Karylle, na kasama rin niya sa SOP.

"Hindi po totoo," sagot ni Dingdong. "Hindi kami nagkakalabuan ni Karylle. Siguro dahil nga hindi naman kami vocal sa nangyayari sa amin, akala nila, ganoon na nga. Lack of time lang po talaga ang problema ko kaya hindi kami talaga nagkikita ni Karylle nang madalas.

"Like now, ngayon lang kami ulit nagkita, pero kailangan ko na siyang iwan dahil tinatawagan na ako sa shooting namin ng Resiklo. Mabuti na lang, sa Pasig City lang ang shooting. Tomorrow morning [August 27], sa taping na po ako ng Marimar sa San Antonio, Zambales. Bale four days ang taping namin at pagbalik ko, sa Resiko naman at sa SOP," paliwanag pa ng young actor.

Hindi ba apektado ang relasyon nila ni Karylle ng mga napapanood sa kanila ni Marian Rivera sa Marimar?

"Hindi po, trabaho lang ‘yon at naiintindihan ni Karylle," sabi ni Dingdong. "Kung anuman ang nakikita sa amin ni Marian, kung sweet kami, para lang po ‘yon sa Marimar, kailangan naming gawin kung ano ang nasa script."

Bawal ba siya talagang bisitahin ni Karylle sa taping niya?

"Hindi naman bawal, kaya lang, ang layo-layo ng location namin ng Marimar," paglilinaw niya. Besides, may pinagkakaabalahan din namang iba si Karylle. Isa na rito ang pagma-manage sa bar naming Centerstage sa Timog Avenue. Pero noong birthday ko last August 2, pinuntahan niya ako sa shooting ko ng Resiklo."

Nabanggit din ng PEP kay Dingdong na malamang ay si Ryan Agoncillo na ang pumalit sa kanya sa horror movie ng GMA Films na Dagao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda ang role na ‘yon at sana tanggapin ni Ryan. Pinilit ko talagang maayos ang schedule ko dahil first time ko sanang makakatrabaho si Richard [Gutierrez] at si Direk Chito Roño. Pero hindi po talaga kakayanin dahil on location ito sa Daet, Camarines Sur, at tuluy-tuloy daw ang shooting kaya magko-conflict sa taping ko ng Marimar at sa shooting ng Resiklo. Full-length din po ang participation ko Resiklo at nakaka-eight shooting days pa lang ako," pahayag ni Dingdong bilang pangwakas.

Sinabi rin ni Dingdong na masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Marimar, na hindi pa rin natitinag sa ratings. Kasama naman ni Dingdong sa Resiklo ang actor-politician na si Bong Revilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN