"Ouija" U.S. premiere nights might not push through


Ouija stars Judy Ann Santos and Jolina Magdangal are supposed to fly to the United States for the premiere nights of the horror film, but schedule problems are a hindrance.



Posibleng maunsiyami ang paglipad nina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal para sa U.S. premiere ng kauna-unahang horror movie ng GMA Filmsna Ouija. Ito rin sana unang pelikula ng GMA Films na magkakaroon ng premiere sa ilang key cities sa Amerika.

May kinalaman ang malamang na hindi pagkakatuloy ng premiere ng Ouija sa dahilang naipagbili ng Viva Films ang U.S. video rights ng pelikula sa Star Cinema.

Ang huling movie co-production ng Viva Films at Star Cinema ay ang Paano Kita Iibigin. Maganda ang naging experience ng Viva with the U.S. video distribution of the Regine Velasquez-Piolo Pascual movie, kaya ipinagbili nito ang U.S. video rights ng Ouija sa Star Cinema rin. Tila nakalimutan ng Viva Films na ang Star Cinema ay ang film arm ng ABS CBN at ang Ouija ay mula naman sa film arm ng GMA-7.

Nag-schedule ng Star Cinema ng U.S. video release ng Ouija sa September, ang aktuwal na dating nina Judy Ann at Jolina roon para dumalo sa mga premiere night. Walang kasalanan ang Star Cinema rito dahil hindi natuloy ang original schedule ng U.S. premiere night ng Ouija.

Dapat talaga, mauuna ang premiere night ng Ouija, kaso hindi naman napayagan si Juday dahil sa taping ng soap opera niya sa ABS-CBN na Ysabella kaya ito naurong.

Nagkataon na nang pumuwede nang makaalis si Juday, magsasabay naman ang premiere sa screen at release sa store ng video ng Ouija, kaya masasayang lang kung itutuloy pa rin ang premiere night nito sa U.S.

Marami na rin daw kasing pirated copies ang Ouija sa United States kaya hindi na rin puwedeng maiurong ang release ng original copies doon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN