Ryan Agoncillo accepts offer to star opposite Richard Gutierrez in "Dagao"


Actor-TV host Ryan Agoncillo has finally accepted the offer to replace Dingdong Dantes in the horror movie Dagao. He will star opposite Richard Gutierrez.



Although nakapagsimula na ang shooting ng Dagao, ang next movie ng GMA Films, sa August 28 pa lang ang story conference. The horror movie is written by Aloy Adlawan and directed by Chito Roño.

Ang original cast sana ng naturang horror film ay pangungunahan sana nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes. Pero hindi pumuwede si Dingdong dahil sa kanyang taping ng Marimar na kinukunan pa sa Zambales.

Kinausap na ng GMA Films ang manager ni Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer if his star is available.

Marami pang kakausapin ang GMA Films for the Dingdong role at si Ryan naman ay busy pa sa kanyang Ysabella shoot na magtatapos next month. Kaya sinabi ni Noel sa GMA Films na balikan na lang nila si Ryan kung ito na ang final choice nila.

Si Direk Chito mismo ang personal na kumausap sa possible replacement ni Dingdong—ang dalawang Star Magic artists na sina Diether Ocampo at Jericho Rosales. Although initially pumayag na raw ang Star Magic for either actor, hindi naman din sila pumuwede dahil may exclusive contract sila with Star Cinema.

Ibinalik ang offer kay Ryan at tinanggap na rin niya ito.

Inayos ni Noel ang September schedule ni Ryan dahil sa Daet, Camarines Norte, magsu-shoot ang pelikula. Kasama rin sa cast sina Assunta de Rossi, Jewel Mische, Luis Alandy, Epi Quizon, at model-turned-actor Will Devaughn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN