Sabay na kinumpirma nina Maris Racal at Iñigo Pascual na career muna ang focus nila sa ngayon.
Bagamat ilang beses nang nilinaw ng magka-love team na hindi nauwi sa boyfriend-girlfriend ang kanilang relasyon, marami pa rin ang nanghihinayang na hindi naging totohanan ang tambalang MarNigo.
Sa grand media conference ngayong Martes, August 27, ng kanilang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry na I’m Ellenya L, ibinahagi nina Maris at Iñigo sa entertainment reporters ang kanilang magiging saloobin sakaling magkaroon na ng bagong mamahalin ang isa’t isa.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel