Rica Peralejo happily pursues studies and career in single blessedness


"Ang saya-saya ng single. Kasi nadaanan ko na 'yung may boyfriend—taon taon pa nga! Pero hindi pa talaga ako sumaya ng ganito sa buhay ko, ngayon lang," says Rica Peralejo.



Nakakabilib naman si Rica Peralejo dahil kahit busy siya sa kanyang schedules ngayon—with regular morning show Umagang Kay Ganda and teleserye Pangarap Na Bituin sa ABS-CBN—ay nakuha pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang studies.

She's now taking up Creative Writing sa Ateneo de Manila at full load (16 units) ang kanyang kinukuha. Desidido kasi siyang makatapos sa four-year course na ito. But what really made her decide to go back to school?

"I just felt that it's time," sagot ni Rica sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I knew there was something larger than me directing me back to the campus. Pati 'yung order of events kasi, kung paano ko natuklasan 'yung course, anong eskuwelahan...pati nga nung nagte-test ako for Ateneo, I somehow knew I was bound to be there and that I would get in, I just didn't know how."

Since wala nga siyang love life ngayon kaya nagagawa niyang pagsabayin ang career and studies at the same time. At least, for now ay wala raw istorbo sa kanyang mga pinagkakaabalahan. Mas marami siyang time for work at sa kanyang pag-aaral.

But was it a choice to be loveless at the moment?

"Both yata ang sagot ko. Una kasi, parang hindi naman. Tapos nung mag-stop ako ng huli kong courtship, I didn't mind it so much. Pag may lumalapit naman, hindi ko rin naman nagugustuhan. Ngayon, may crushes ako, pero sa totoo lang, wala pa ako kasing makitang potentially the right one.

"Tapos lagi ko pa naiisip na baka mas marami akong matulungan kung single lang talaga ako. Ang saya, e. Ang saya-saya ng single. Kasi nadaanan ko na 'yung may boyfriend—taun-taon pa nga! Pero hindi pa talaga ako sumaya ng ganito sa buhay ko, ngayon lang. 'Yung buhay ko kasi nagkaka-meaning pag tumutulong sa marami, hindi pag isa lang. Although, gusto ko sana magkaanak. So, kung ano gusto ni God, dun ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm still happy naman even without a boyfriend. Hindi ko naman kailangang magkaroon ng boyfriend para maging masaya, e. Hindi rin ako naiinip sa paghahanap kay Mr. Right. Of course, ako rin naman ang nakakaalam kung 'yung guy na darating for me ang nararapat at bigay talaga ni Lord. Kung talagang para sa iyo ang lalaking 'yan, harangan man ng sibat, kayo pa rin in the end," mahabang pahayag ni Rica.

Dagdag pa ni Rica, hindi naman daw siya takot sa commitment.

"I'm not," sabi niya. "Kasi if ever the time comes that I have to, alam ko na ang mangyayari sa akin ay ang destiny ko talaga and not some guess I made out of nothing. So it won't feel like fear, there won't be any trouble, 'yon ang magiging sign ko," pahayag pa ni Rica, na bida-kontrabida ang role as Sapphire sa teleseryeng Pangarap Na Bituin.

So what makes her happy nowadays even without someone special?

"School, family, thinking of the future, books, people, Umagang Kay Ganda, my new teleserye, faith, hope and love... Lahat 'yan, bigay at governed ni God. Galing Niya!" sabi niya.

Ano pa ang future plans niya?

"I do intend to come up with a business," sabi ni Rica. "I'm just not sure what, idinadasal ko pa. Though I am contemplating double major, maybe on Creative Writing and Psychology. I wanna write books, I want to help people. Hindi ko alam kung paano, pero gusto ko talagang makatulong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN