Bernard Palanca rushes to Meryll Soriano's bedside for their baby's birth


"Siyempre, hindi naman kasi natin ‘yon maaalis. He is the father, e. We cannot take away his right as a father, at dapat lang na malaman niya ‘yon....Basta ang kagandahan ay nandiyan si Bernard para kay Meryll at sa kanilang anak....," says Meryll Soriano's uncle, Mel Martinez (not in photo), about Bernard Palanca.



Nanganak na si Meryll Soriano ng isang bouncing baby boy sa Makati Medical Center kahapon, August 27. Ang sanggol na pinangalanang Elijah ay may bigat na 6.5 pounds at isinilang through normal delivery ganap na 10:05 ng umaga.

Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tiyuhin ni Meryll na si Mel Martinez last night sa Makati Medical Center. Inusisa namin siya tungkol sa kundisyon ni Meryll at sa iba pang detalye ng panganganak nito.

Ayon kay Mel, very healthy at cute na cute ang bata, kaya very proud si Meryll.

"Elijah Soriano ang name niya, 6.5 pounds. Ngarag at groggy pa kasi si Meryll, pero normal delivery naman siya. She delivered Elijah very smoothly, although about eight hours din ang contractions niya.

"Kasi kagabi [August 26, Sunday], nagko-contract na siya, e. Kasama kaming mga pamilya niya, akala namin ay ipapasok na siya sa hospital. And since wala pa naman daw, sabi ng doctor, umalis muna kami. Pero pag-alis namin, ala-una ng madaling araw [Monday] ay pumutok na yung panubigan niya. Tapos ayun, ini-rush na siya sa ER ng 2:00 in the morning," kuwento ni Mel.

Paano naman nalaman ng ama ng Elijah, si Bernard Palanca, na nanganak na si Meryll?

"Siyempre, hindi naman kasi natin ‘yon maaalis. He is the father, e. We cannot take away his right as a father, at dapat lang na malaman niya ‘yon. Basta sinabihan nila, hindi ko lang alam kung sino talaga. Basta ang kagandahan ay nandiyan si Bernard para kay Meryll at sa kanilang anak. Basta okay po lahat at walang problema sa family," huling nasabi ni Mel na nagmamdali dahil naghihintay na ang kotse niya paalis ng hospital.

Ayon pa sa nakausap ng PEP, proud na proud si Bernard na kinarga nito ang kanyang baby sa nursery room at kinunan pa niya ito ng litrato. Buong pagmamalaki raw na ipinakikita sa lahat ni Bernard ang larawan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hawig ni Bernard si Elijah, nakuha ng bata ang ilong niya samantalang hawig naman ang lips kay Meryll.

Dumating si Bernard last Saturday, August 25, mula sa Melbourne, Australia. Hindi lang namin matiyak kung nagkataon lang iyon o sinadya niya para sa panganganak ni Meryll.



Nasagap din ng PEP na lahat ng pamilya nina Meryll at Bernard ay present sa hospital, maliban lang sa ama ng aktres na si Willie Revillame, na as of press time ay hindi pa raw dumadalaw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN