Cristine Reyes's director in "Green Paradise" axed by Chinese producers


Cristine Reyes's launching movie, Green Paradise, faced another problem with the sacking of its director, Bing Santos. A Hong Kong director is scheduled to arrive and reshoot the whole movie.



Tinanggal na finally sa pelikulang Green Paradise si Bing Santos, ang Filipino director na makakatuwang sana ng isa pang director from Hong Kong na gagawa ng launching movie ni Cristine Reyes.

Last week pa dapat dumating ang Hong Kong director—na award-winning sa Chinese TV drama—para makatulong sa direksyon ng Green Paradise. Kaso, binagyo ang Hong Kong kung kaya't hindi siya nakarating on time pati na ang producer ng movie na siyang sumundo rito.

Solo directing na ang gagawin ng Hong Kong director dahil hindi nagustuhan ng Chinese producers ang rushes ng Green Paradise na dinala ng Filipino producer doon. Napagkasunduang i-reshoot ang buong movie, hindi baleng magka-doble gastos.

Bagama't si Cristine lang ang naging vocal sa disgusto niya sa ginagawa nilang pelikula, nakarinig din ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng complaints sa ibang artista kung kaya't muntik na rin daw magtalo sina Joel Torre at Direk Bing.

Ang punto ni Bing, aktor lang si Joel sa pelikula kung kaya't hindi dapat makialam sa directing niya. Ang kay Joel naman, na isa ring direktor sa Maaalala Mo Kaya ng ABS-CBN, may nakita rin siyang hindi maganda sa napanood nilang rushes kung kaya't gusto niyang tumulong.

Hindi ang insidenteng minsang dumating sa shooting si Direk Bing nang nakainom ang inireklamo ng mga Chinese producers, kundi ang mismong directing ng pelikula.

May isang eksena raw na dramang-drama na sina Cristine at Kris Martinez, pero hindi makita ang mga mukha nila dahil napakalayo ng camera. Tila ginawa lang silang background sa napakagandang tanawin.

Hindi rin daw mabusisi si Direk Santos. Isang mangingisda sa dagat ang papel ni Kris at sa isang eksenang nagdala siya ng isda sa pamilya ni Cristine, tilapya na isdang tabang ang dinala, imbes na isda na galing sa tubig-alat.

Inaasahang makakarating sa linggong ito ang Hong Kong director. Kukuha na lang siya ng isang assistant para sa mga Tagalog dialogues. Naisalin na sa Ingles ang buong script para sa Hong Kong director. Pero dahil Tagalog pa rin ang dialogue, kinakailangan nitong kumuha ng Pinoy na assistant director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balak pa rin ang producers na maipalabas ang Green Paradise this year, isasabay sa international release starting with several Asian countries.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN