Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Maris Racal admits she fell in love with Iñigo Pascual; explains why they never became a couple

by Jet Hitosis
Aug 30, 2019
Maris Racal admits that she fell in love with Iñigo Pascual, but they decided to end their special relationship to be able to focus on their respective careers. Their first movie together, I'm Ellenya L, is one of the official entries of the 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino that runs from September 13 to 19.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Maris Racal na bagamat hindi sila nagkaroon ng aktuwal na relasyon ni Iñigo Pascual, totoong minahal niya ang aktor.

Sa media conference nitong Martes, August 27, para sa unang pelikulang pagbibidahan ni Maris, ang I’m Ellenya L, muling nilinaw ng magka-love team na hindi na tulad ng dati ang relationship nila.

Gayunman, ayon kina Maris at Iñigo, nananatili silang mabuting magkaibigan.

Ang I’m Ellenya L ang unang pelikula ng tambalan nilang MarNigo, at kabilang ito sa official entries sa 2019 edition ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Ang PPP Year 3 ay tatakbo mula September 13 to 19.

Ang pelikula ay directorial debut ni Boy2 Quizon. Kabilang din sa cast si Patrick Sugui.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa hiwalay na interview kina Maris at Iñigo, kapwa nila nilinaw na hindi talaga sila nagkaroon ng romantic relationship.

Natanong ng entertainment reporters si Maris kung na-in love ba siya kay Iñigo.

“Masasabi ko naman na minahal din po,” pag-amin ni Maris, at idinugtong, “Ayoko naman na mag-playtime.”

Sa kabila nito, binigyang-diin ng 21-anyos na aktres na hindi sila naging boyfriend-girlfriend.

“Nale-label kami as ex talaga, but yung relationship namin… never natuloy sa maging kami.

“Kasi nasa time kami na gusto namin, focused talaga sa career.

"Like, si Iñigo, ang dami pa niyang gusto, like, gusto niya maging international… ayaw din ma-distract.”

Inamin din ni Maris na naging mahirap para sa kanila ni Iñigo ang naging desisyon nila.

“Nahirapan din kami, kasi siyempre, that means we have to end some things… okay lang yun, kasi as long as okay naman kami sa work, friends kami, tanggapin na lang.”

WHY DID MARIS AND IÑIGO HAVE TO END THINGS?

Ayon kay Maris, siya ang nag-initiate ng pagtatapos ng anumang meron sila ni Iñigo “para klaro lahat.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Para hindi ako… nalilito kung saan ako ngayon.”

Inamin naman ng young actress na “magulo” ang set up nila ni Iñigo noon.

“So, we’re happy na clear na ngayon. Masaya na, magaan na mag-work.”

Sinegundahan naman ni Iñigo ang sinabi ng ka-love team.

Sa hiwalay na interview sa singer-actor, sinabi niyang kailangan ni Maris ng “someone who will be there for her.”

Aminado si Iñigo na hindi siya ang taong iyon, at ito ang dahilan kaya hindi naging “official” ang relasyon nila ni Maris.

“It’s hard to see someone needing something so badly you couldn’t give,” ani Iñigo.

“It’s hard to see her not getting what she deserves, and from the other person not doing, that was hard.

“She obviously deserves someone who will be there for her.

“That’s the bottomline of it, I just could not be there for her.

"The reason why we cannot make it official is because of that.

Continue reading below ↓

"She needed someone to be there for her."

MARIS AND IÑIGO PRIORITIZE THEIR CAREERS

Tulad ni Maris, kinumpirma ni Iñigo, 21, na career din ang priority niya sa ngayon.

Paliwanag ni Iñigo, “We’re at our age when every opportunity given to you could literally make or break your future, and it’s hard to think of things… na ano ba ang kailangan mo i-sacrifice para makuha mo yung gusto mo.

“So those are the things that we struggle with every day, and the opportunity given to me, to be able to crossover and make music abroad, it’s something that I have dreamt of for a long time.

“I’m grateful that she’s very supportive of it.”

Kababalik lang ni Iñigo mula sa Amerika, kung saan isang buwan siyang naglibot sa mga radio station doon upang mag-promote ng bago niyang single, ang “Catching Feelings.”

“I’m really focused on that. That thing that I’m doing now, it may not seem so big at the moment, but we’re really working hard. We’re putting our time and effort,” sabi ng anak ni Piolo Pascual.

Continue reading below ↓

Sa huli, sinabi ni Iñigo na kung para talaga sila ni Maris sa isa’t isa, “love will take its own course.”

Positibong sabi niya, “If it is meant to be, if things are to fall on that direction, then love will take its own course and find its way if it’s really meant to be.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maris Racal admits that she fell in love with Iñigo Pascual, but they decided to end their special relationship to be able to focus on their respective careers. Their first movie together, I'm Ellenya L, is one of the official entries of the 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino that runs from September 13 to 19.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results