Ogie Alcasid celebrates his "best-ever" birthday


Ogie Alcasid and girlfriend Regine Velasquez are joined by married couple Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez, who were named the Prom King and Queen, during the 40th birthday celebration of Ogie.



Bakas ang kasiyahan kay Ogie Alcasid sa kanyang 40th birthday celebration sa Manila Polo Club kagabi, August 27. Nasambit pa nga ng singer-composer na ito na marahil ang pinakamagandang birthday celebration niya.

Equally excited din ang girlfriend at punong-abala ng birthday celebration ni Ogie na si Regine Velasquez. Personal kasing pinamahalaan ng Asia's Songbird ang preparasyon ng nasabing party na tumagal ng halos isang buwan. Mula disenyo ng venue hanggang sa table set-up ay masusing idinetalye ni Regine.

Hindi naman nabigo si Regine sa kanyang mga plano dahil naging star-studded ang nasabing event. Noong una raw ay isandaang katao lang ang imbitado dahil family affair lang ang unang plano nila. Pero dahil sa dami ng malapit kay Ogie ay umakyat ang bilang sa 250.

Bandang alas-sais ng hapon ay sinimulan ang selebrasyon sa pamamagitan ng isang Holy Mass. Bandang alas-siyete naman nagsimula nang dumami ang mga panauhin ni Ogie.

Tulung-tulong ang Velasquez sisters sa pag-iistima sa mga bisita ni Ogie.

Naging istrikto ang organizers sa imbitasyon. "No invitation, No entry" ang policy. Maging ang media ay nagkaroon lang ng lugar sa tabi ng red carpet kung saan pumapasok ang mga artista't bisita.

Request daw kasi nina Regine at Ogie na huwag munang magkaroon ng media coverage sa loob ng venue para mapreserba ang party mood. Pero pinayagan naman ang ilang photographers ng malalaking babasahin, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), para kunan ang event.

PROM NIGHT. Sa gayak ng mga bisita, masasabing pupunta nga ang ilan sa kanilang Prom Night. Ito raw ang napili ni Regine na tema ng party dahil hindi siya nakadalo sa kanyang prom night noon. Karamihan din ng kanyang mga imbitadong kaibigan ay na-miss ang milestone na ito ng kanilang high-school life.

Pagpasok pa lang ng mga tao ay mayroon na agad corsage para sa mga babae at bulaklak naman sa lapel ng mga lalaki. May picture taking pa ang mga bisita na naka-korona at sash na nagsasabing "Prom King and Queen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin pinalampas nina Ogie at Regine ang first sweet dance sa saliw ng prom staple song na "King and Queen of Hearts" ni David Pomeranz.

Samantala, ang mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ang itinanghal na Prom King & Queen noong gabing 'yon.

A NIGHT OF SONGS. Simula pa lang ng gabi, naging madamdamin na ang regalo ni Regine kay Ogie. Kinanta niya nang buong-puso ang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka". Ito raw kasi ang awitin na unang na-compose ni Ogie para sa kanya.

Well-applauded din ang mga kanta ni Nyoy Volante at ng Side A. Hindi naman nagpahuli si Jaya sa kanyang pagbirit ng "Through The Fire".



First time ding napagsama ang apat na pinakabigating male singers ng bansa sa isang entablado. Tinawag ni Martin Nievera sina Ogie, Janno Gibbs, at Gary Valenciano para kantahin ang Kenny Loggins hit na "Heart to Heart."

Pinagbigyan naman ni Richard Gomez ang kantiyaw ng mga tao na kumanta siya.

PARTY OF THE YEAR. Mahirap nang lampasan ang birthday party ni Ogie kagabi. Sa tindi ng kinang ng mga bisita at preparasyon, masasabing ito na nga ang Party of the Year. Pero ang tunay na hindi malalampasan ay ang sayang naramdaman nina Ogie at Regine nang gabing iyon na naramdaman din ng mga tao na naroon sa okasyon.

Ilang beses nga naming biniro si Ogie kung nagpa-plano na nga ba silang magpakasal.

"May ilan pa kaming inaayos. Kapag dumating 'yung annulment ko, tuluy-tuloy na ‘yan. Mabilis pa sa alas-tres," sabi ng birthday boy.

Ang iba pang celebrities na dumating ay sina Sharon Cuneta, Gretchen Barretto, Sen. Bong Revilla, Phillip Salvador, Ai-Ai delas Alas, Joyce Jimenez, at ang Gutierrez family—Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, and Richard Gutierrez.

Naroon din sina Gelli de Belen (minus hubby Ariel Rivera na naging ex din ni Regine), Bing Loyzaga, Vina Morales, Rustom Padilla, Jeremy Marquez, ang mga kasamahan ni Ogie sa Bubble Gang na sina Michael V, Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Wendell Ramos, Maureen Larrazabal, Boy2 Quizon, at Francine Prieto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naki-party rin sina Dennis Trillo, Marian Rivera, Billy Crawford, Mark Herras, Ryza Cenon, Lovi Poe, Karylle (minus boyfriend Dingdong Dantes), Kylla and boyfriend Rich Alvarez, Sheree and boyfriend Gian Magdangal, and William Martinez and wife Yayo Aguila.

Dumating din sina Wilma Galvante, Ben Chan, Douglas Quijano, Jo-Ann Maglipon, Shirley Kuan, Celebrity Duets contestants Tessa Prieto Valdes, Tim Yap, and Hayden Kho with girlfriend Dr. Vicki Belo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN