Katrina Halili hospitalized for viral infection


"Hindi po kasi ako puwedeng ma-expose sa smoke, pollution, at dust kahit sa aircon or [electric] fan. Inaatake ako ng ubo't sipon. Tapos nagagasgas ang throat ko kaya ako tina-trangkaso. Sobrang pagod na rin siguro," explains Katrina Halili about her health.



Nagulat pa ang sexy young actress na si Katrina Halili na nag-text back sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 28, nang tinanong namin kung totoong naka-confine siya sa St. Luke's Hospital.

Lunes pa lang ng gabi, August 27, nandoon na siya at hindi alam kung kailan lalabas. Hindi raw makapag-taping ang lead villain ngayon sa Marimar nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

"Opo, dito po ako St. Luke's ngayon. Hindi bumababa ang temperature ko, tumaas pa nga ngayon," text niya sa amin after we told her where we got our news.

Hindi niya pa rin alam kung kailan siya palalabasin ng kanyang doktor.

"Pag medyo bumaba na 'yung fever. Need ko nang lumabas marami po akong commitments," sabi pa niya.

Alikabok daw ang dahilan ng kanyang viral infection.

"Hindi po kasi ako puwedeng ma-expose sa smoke, pollution, at dust kahit sa aircon or [electric] fan. Inaatake ako ng ubo't sipon. Tapos nagagasgas ang throat ko kaya ako tina-trangkaso. Sobrang pagod na rin siguro," paliwanag niya.

May kinalaman ang karamdamang ito ni Katrina sa mga bukol niya noon sa leeg.

At press time, hindi pa alam kung makakalabas na si Katrina today.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN