Empress Shuck more at ease with Enchong Dee than with Dino Imperial


"Usually, lagi kaming magkasama behind the camera. Parang wala lang, talagang magkaibigan. Hindi ko ginagawang showbiz, kumbaga, natural lang sa akin 'yung lapitan si Empress," says Enchong Dee about screen partner Empress Shuck.



Inulan ng intriga mula sa entertainment press ang young stars na sina Enchong Dee at Empress Schuck sa presscon ng Lastikman kagabi, August 29, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Magkasama rin sina Enchong at Empress sa teen show na Abt Ur Luv at maraming fans ang diumano'y nagalit sa pagpasok ni Enchong sa loveteam nina Empress at Dino Imperial. Hindi naiwasan ng press na itanong na baka dahil sa pagtatambal nina Enchong at Empress sa Lastikman ay baka mas maraming fans ang magalit sa kanila.

"Iyong sa fans, aware kami nina Enchong at Dino na maraming nag-i-email na nagalit sa pagli-link sa amin [ni Enchong] sa Abt Ur Luv, pero hintayin na lang natin sa fourth season ng Abt Ur Luv kung ano ang mangyayari," pahayag ni Empress.

Para naman sa swimmer-actor na si Enchong, "Medyo awkward kasi sila [Empress at Dino] naman dapat talaga ang magkasama, pero... Si Empress talaga ang magde-decide kung sino ang gusto niyang makasama, e."

Nang tanungin kung sino ang mas gusto niyang makapareha, safe na sinagot ni Empress na "Siyempre kung sino ang ibibigay sa akin ng ABS, tatanggapin ko."

Samantala, inamin naman ni Enchong na kahit ka-loveteam ni Empress si Dino ay masasabing close pa rin naman siya sa dalaga even off cam.

"Nagbibiruan kami," sabi ni Enchong. "Usually, lagi kaming magkasama behind the camera. Parang wala lang, talagang magkaibigan. Hindi ko ginagawang showbiz, kumbaga, natural lang sa akin yung lapitan si Empress."

Sinang-ayunan naman ito ni Empress. Ayon sa young actress, "Mas kumportable naman ako kay Enchong kasi bago pa nga, hindi pa nga kami loveteam, magkaibigan na kami."

At patawa nitong dinagdag na, "E, kasi si Dino medyo maraming babae!"

Inamin naman ni Enchong na matagal na siyang "lumalangoy" patungo sa puso ni Empress. Ngunit dahil sa bata pa si Empress, 14 years old, nasabi ng dalaga na baka kailangan pang maghintay ni Enchong ng limang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, by that time may iba na akong nilalangoy!" pabirong sagot ng binata.

Gayunman, hindi naman daw nagmamadali si Enchong na pumasok sa isang relasyon. Ayon sa kanya, "Marami din kasi nagsasabi sa akin na dahan-dahanin ko daw. Kasi ang hirap din if you commit yourself to someone else, siya 'yung iisipin mo palagi. Sa ginagawa namin, papaano pa namin mapagsasabay, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN