Mark Herras talks about Jennylyn Mercado and Marian Rivera


"Kahit naman hindi ko na sabihin, if ever naman na kailanganin niya ng tulong from me, kahit anong tulong, basta kaya ko tutulungan ko siya," says Mark Herras about ex-girlfriend Jennylyn Mercado (inset, bottom).



Nakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Mark Herras sa GMA-7 compound kahapon, August 29. Kinuha na namin ang pagkakataon upang tanungin siya sa balitang ipi-freeze diumano ng GMA-7 ang kanyang dating ka-loveteam at ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Tila nadadamay raw kasi si Jennylyn sa alitan ng GMA executives at ng manager ng young actress na si Becky Aguila bunsod ng paglipat sa ABS-CBN ng isa pang alaga nito na si Angel Locsin.

"Wala akong alam dun sa nangyari," pauna ni Mark. "Tapos, ayokong mag-comment tungkol dun. Baka kasi sabihin ng GMA, nakikialam ako, di ba? Kung ano man 'yung plano for Jen, kung may problema man si Jen sa GMA, sana maayos naman nila para okay lahat."

Hindi ba naisip ni Mark na mabuti na lang at hindi na sila magka-loveteam ni Jennylyn dahil kung nagkataon ay madadamay siya sa problemang kinasasangkutan ng dalaga ngayon?

"Hindi naman sa ganoon 'yung inisip ko. Pero siyempre, if ever naman na loveteam pa rin kami hanggang ngayon, malamang kahit paano nadamay din ako, di ba?" pag-amin niya.

"Pero I'm not saying na nagpapasalamat ako na hindi na kami loveteam ngayon. Siguro kasi network din ang nagde-decide for us kung anong plano nila sa amin, kung loveteam pa ba o hindi na. 'Sakto, nagkaroon lang talaga ng problema kung kailan hindi na kami loveteam."

Kumusta na ba sila ni Jennylyn, nagkakausap pa ba silang dalawa?

"Matagal na kaming hindi nagkakausap," sagot ng binata. "Hindi ko na matandaan kung kailan kami huling nagkausap. Kung nagkakausap man kami dati, nangungumusta lang naman ako."

Nararamdaman ba ngayon ni Mark na mas kailangan ngayon ni Jennylyn ng mga kaibigan?

"Kahit naman hindi ko na sabihin, if ever naman na kailanganin niya ng tulong from me, kahit anong tulong, basta kaya ko tutulungan ko siya," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, kasama si Mark sa pelikulang Bahay Kubo, ang isa sa official entries ng Regal Entertainment sa darating na 2007 Metro Manila Film Festival. Ang Diamond Star na si Maricel Soriano ang lead star sa pelikula at si Joel Lamangan naman ang direktor.

Nagsimula nang mag-shoot ang Bahay Kubo, pero si Mark ay sa October pa raw magsu-shoot.

"Ako 'yung nanliligaw kay Marian [Rivera] sa movie. Actually, maliit lang 'yung role ng mga lalaki dun. Kahit si Rayver [Cruz], parang loveteam lang siya ni Shaina [Magdayao] dun. Naka-focus 'yung story sa family at sa mga babae—kay Yasmien [Kurdi], Marian, at Shaina," lahad ni Mark.

Speaking of Marian, totoo bang sinabi ni Mark na never niya nang liligawan ulit ang dalaga? Matatandaan kasi na niligawan dati ni Mark si Marian pero itinigil niya ang panliligaw rito.

"Well, hindi ko naman sinabi na never ko na siyang liligawan," sabi niya. "Ang sabi ko lang, pansinin ninyo lang, sa lahat ng mga naging relationship ko before, wala akong binalikan nung natapos na.

"Hindi naman sa parang ganun 'yung style ko. Basta sa ngayon, ayoko munang... Kasi unang-una, baka mamaya if ever man na ligawan ko ulit si Marian, baka sabihin ng ibang mga tao, 'Kaya nililigawan mo yan kasi Marimar na, maganda na.' Ayoko nang mapasama or bigyan pa ng iba ng ibang kahulugan ‘yon, so tumatahimik na lang ako. Basta ngayon, magkaibigan naman kami ni Marian," pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN