Toni Gonzaga hopes boyfriend Paul Soriano would be the last man for her


"Pangmatagalan yung sa amin. Hindi ito pakyut-kyutan lang. Siyempre,ang tagal ko namang hindi nag-boyfriend. For 23 years, siya ang firstboyfriend ko and hopefully the last," says Toni Gonzaga about boyfriend Paul Soriano.



Umalis kagabi, August 29, ang TV host/actress/singer na si Toni Gonzaga patungong United States para sa series of shows nila ni Gary Valenciano. Kasamang umalis ni Toni ang kanyang mga magulang at ang nag-iisang kapatid na si Cathy Gonzaga.

Pero bago siya lumipad patungong U.S. ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Toni sa grand opening ng 41st branch ng Bodega ng Bayan sa Marilao, Bulacan noong Tuesday, August 28.



"Pagbalik ko on September 12, the next day, first shooting day ng pelikula namin nina Sam [Milby] and Kristine [Hermosa]. Tentatively, ang title namin is Big Love," bungad na kuwento ni Toni.



Naiwan sa Pilipinas ang boyfriend ni Toni na si Paul Soriano. Hindi naman daw kinakabahan si Toni na mabaling sa iba ang pansin ni Direk Paul habang wala siya rito.



"Hindi naman dahil confident ako, may trust lang," nakangiti niyang sabi. "Alam naman niya yung show ko sa U.S., kasi siya yung nagdidirek ng lahat ng concerts ni Gary V. Yung first concert ni Gary sa Manila Hotel, siya ang director. Nanood ako noon. Tsaka kasi ‘yon, same band, same set-up, same crew, everyone on stage, sila rin yung lilipad sa US. Mga kakilala niya, kaibigan niya."



May natanguan din daw kasi na commitment si Paul dito sa Manila. Magsu-shoot ang boyfriend ni Toni ng TV commercial para sa isang sikat na food chain. But for sure, mami-miss daw nila ang isa't isa.



"Oo, pero okay lang. Hindi naman din kami masyadong nagkikita dahil lagi kaming may trabaho," ani Toni.



PAUL'S FAMILY. Pero bago umalis si Toni ay naipakilala na raw siya ni Paul sa kanyang pamilya.



"Last Sunday, isinama niya ako na magsimba sa church nila kaya na-meet ko ang pamilya niya. Tapos pastor doon ang daddy niya, banggit ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama ni Paul ay ang dati ring commercial-movie director na si Jeric Soriano, na ngayon ay isa nang pastor. Ang lolo naman ni Paul ay ang yumaong aktor na si Nestor de Villa.



Tanggap ba siya ng pamilya ni Direk Paul?



"Oo, ‘no!" mabilis na sagot ni Toni. "Mabait naman sila. Very Christian family. Yung mga kapatid, puro lahat lalaki. Apat sila, siya ang oldest. Pareho kami.



"Actually, hindi naman siya [Paul] showbiz," patuloy niya. "Pero dahil nadidikit nga siya sa akin, wala na. Wala na siyang magawa. Hindi na siya private person. Public person na rin siya. Okay lang din naman sa kanya.



"Kasi, actually, ‘yon ang unang-unang concern ko nung nanligaw siya. Pinatigil ko siya noon sa panliligaw sa akin kasi ayoko siyang pag-isipan. Kasi pag nakita na siya, ‘Sino ‘yan?' Mauusisa na, matatanong na siya. ‘E, di ba private kang tao?' sabi ko sa kanya.

"Kaya gulat na gulat siya sa The Buzz, tinanong agad siya. Nagulat siya. Tapos eventually, since lolo naman niya artista, daddy niya director, kahit paano hindi maiiwasan nasa limelight na siya. Kahit anong gawin niya, hindi na maiiwasan ‘yan. So, okay lang siya."



Bihira raw sa showbiz ang relasyon na nagtatagal. Pero sa kanila ni Paul, ina-anticipate niya ba na tatagal sila?



"Oo," diretso niyang sagot. "Pangmatagalan yung sa amin. Hindi ito pakyut-kyutan lang. Siyempre, ang tagal ko namang hindi nag-boyfriend. For 23 years, siya ang first boyfriend ko and hopefully the last. Yung mga naging boyfriend ko, hindi ko actually boyfriend ‘yon. Mas nagiging close lang sa akin na hinu-hope mo na maging boyfriend mo, pero wala. Wala ring tumagal."



So, ang tagal pala niyang hinintay si Direk Paul?



"Oo, since birth. Since birth daw, o!" tawa niya. "Hopefully, siyempre, siya na yung lalaking pakakasalan ko. Very proper yung relasyon, yung may consent ng parents. Kasi sinabi ko na kapag magbu-boyfriend, I'll make sure na ‘eto na ‘yon. Mahirap yung ide-deny, ililihim tapos pag nag-break saka aamin. And especially for him, hindi naman siya sanay sa ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nung naging kami, hindi ko pa rin inamin ‘yon, e. Kapag tinatanong ako, okay lang. Although, hindi ako nagsasabi na hindi kami. Ang sinasabi ko lang, masaya. Kapag sinasabing kayo na, masaya ng sagot ko. Hindi ako nagde-deny kasi ang pangit for his side na idine-deny siya. At para sa kanya, ang weird nun, e. ‘Huh? Tayo, bakit dine-deny?' Ganun siya. Siyempre hindi niya naiintindihan. Kasi sa showbiz, di ba, okay lang na idine-deny? Sa kanya, hindi niya naiintindihan ‘yon. Pero eventually, ‘Ah, kaya pala.'"



SEVEN YEARS. On September 12, three months na ang relasyon nina Toni at Paul. On October 23 naman ay magse-celebrate ng kanyang 26th birthday si Paul; Toni is 23 now. Gusto ni Toni na magpakasal at the age of 30.

So, seven years pa ang hihintay ni Direk Paul para maangkin nang buo si Toni. Kayanin kaya ni Direk Paul na maghintay ng seven years?



"Kaya niyang maghintay ng seven years. Pero siyempre, ako naman, lagi ko lang sinasabi ‘yan, ‘Ah, seven years.' Pero siyempre, hindi naman namin alam kung kailan talaga.



"Kung mag-propose? E, kung magpu-propose siya, mamaya baka maka-yes ako, di ba? Joke!" tawa ulit niya.



What if mabuntis siya?



"Huwag muna magbuntis. Wala pa akong sariling show! Echos!" pabaklang sagot ni Toni.

Ano ang birthday gift niya kay Direk Paul?



"Baka ibibili ko na lang siya sa States. Isang state dun. Chos!" biro niya.



Biglang nabanggit sa amin ni Toni na lumaki si Direk Paul sa Pasadena, California. Last year lang nagpunta ng Pilipinas si Direk Paul. Two years ago, nagkaroon ng Kapamilya Caravan sa U.S. ang ASAP sa Rose Bowl Stadium sa California. Sa isang hotel sa Pasedena nag-stay ang lahat ng artists and staff ng ASAP, kabilang si Toni.



"Dapat manonood siya [Paul] sa Rose Bowl, pero hindi na siya nakapunta. Parehong may nag-invite sa kanya. He's supposed to go pero tinamad yata siya or something came up. Dun sana kami unang nagkita," kuwento ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala si Toni na hindi ‘yon ang tamang panahon para sa kanila kaya hindi sila pinagtagpo ng tadhana during that time. Or else, baka iba ang situwasyon nilang dalawa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN