Ricardo Cepeda says Snooky Serna's "Showbiz Central" interview misleading


"My friends, those who really know, told me na hindi maganda ang dating ng interview kasi it tended to put me on a bad light. Para kasi lumabas na I have been remiss on a my duties as a father, which is not true," says Ricardo Cepeda about the interview of his ex-wife, Snooky Serna, on Showbiz Central.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kahapon, August 29, si Ricardo Cepeda. Gustong mag-react ng ex-husband ni Snooky Serna sa naging pahayag ng kanyang dating asawa sa interview nito sa Showbiz Central noong Linggo, August 26.



Bagama't hindi niya napanood ang interview, sinabi ni Ricardo na marami sa kanyang mga kaibigan ang nagulat sa ilang bahagi ng interview ni Snooky. Para kasing lumabas sa interview na kawawa naman ang kanilang mga anak dahil wala na itong makain at naghihirap na talaga.



"Nagulat din ako na bakit ganoon ang lumabas," sabi ni Ricardo. "My friends, those who really know, told me na hindi maganda ang dating ng interview kasi it tended to put me on a bad light. Para kasi lumabas na I have been remiss on my duties as a father, which is not true.



"Kasama ko ang mga anak namin last Sunday. We went out and ate together. We even watched a movie. Tuwing weekends ay lumalabas kami. Iyon ang bonding time namin. Nang tanungin ko nga sila how was the interview with their Mom, sabi nila okay naman daw. I found out later na hindi naman pala nila ito napanood ng buo,” kuwento ng aktor.



Nag-react si Ricardo dahil nagbigay raw ng pahayag na "no comment" si Snooky nang tanungin ito kung anong suporta ang ibinibigay ng kanyang ex-husband sa kanilang tatlong anak na babae.



"When she said no comment, parang misleading na iyon. I was the one paying for the tuition fees of the kids. Ako rin ang nagbabayad sa yaya. Every week naggo-grocery ako with them para ibili sila ng pagkain or whatever it is that they want. Halimbawa, they want more chicken, then we buy more chicken. Kung sakali na paubos na ang stock nila, all they have they do is text me at nagdadala ako. Sometimes they tell me kung anong pagkain ang gusto nila na dalhin ko," paliwanag ni Ricardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Si Ricardo rin daw ang nagbabayad sa school bus ng mga bata. Kaya misleading ang mga naging pahayag ni Snooky dahil ang naging dating nito sa ibang tao ay pinababayaan niya ang kanyang mga anak.



Sabi pa ni Ricardo, parang dating ng interview ay single parent si Snooky at mag-isang nagtataguyod sa kanilang mga anak. Taliwas daw ito sa katotohanan dahil hindi siya nagpapabaya sa kanyang responsibilidad bilang isang ama.



Hindi raw niya alam kung bakit ganoon ang naging dating sa ibang tao ng interview ni Snooky, pero gusto lang ituwid ni Ricardo ang maling impression na maaring ibinunga nito.



Dati raw ay sa kanya nakatira ang mga bata, kaya lang nag-request daw na kay Snooky na lang mula sila dahil mas malapit ang tinutuluyan nito sa Fort Bonifacio sa school ng mga bata. At least, hindi nila kailangan gumising ng maaga dahil malapit lang sa school, unlike noong time na kay Ricardo nakatira ang mga bata.



Nais linawin ni Ricardo na hindi siya upset sa naging pahayag ni Snooky. Gusto lang daw niyang linawin ang ilang mga detalye para hindi magkaroon ng maling impresyon ang mga tao sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN