SexBomb manager Joy Cancio fires Cynthia Yapchangco again


"Gusto kong malaman niya ang mga pagkakamali niya. Hindi niya minahal ang trabaho niya. Sayang ang mga oportunidad na dumarating for her at sa grupo," says SexBomb manager Joy Cancio about Cynthia Yapchangco (in photo).



Tuluyan na palang tinanggal ng manager ng SexBomb na si Joy Cancio ang isa sa mga miyembro ng grupo na si Cynthia Yapchangco. Binigyan na raw kasi ni Joy ng isa pang pagkakataon si Cynthia, pero hindi pa rin daw ito natuto kaya nagdesisyon ang talent manager na tanggalin na lang nang tuluyan sa grupo ang dancer.



Kung matatandaan ay dalawang SexBomb Girls ang tinanggal ni Joy kamakailan, sina Cynthia at Jackie Rivas.



Paliwanag ni Joy sa PEP (Philippine Entertainment Poretal), parehong unprofessional at hindi sumusunod sa kanyang patakaran sina Cynthia at Jackie. Ilang beses na raw niyang binigyan ng warning ang dalawa, pero talagang mga pasaway raw ang mga ito.



Hindi raw sumusunod si Jackie sa mga rehearsal schedules ng SexBomb. Mas gusto pa raw nitong gumimik gabi-gabi kesa mag-rehearsal.



Si Cynthia naman daw ay nagpalagay ng tattoo sa likuran nito. Ipinagbabawal ni Joy na maglagay ng anumang marka sa katawan ng SexBomb dahil mga bata ang audience nila. Role models para sa kabataan ang Sexbomb kaya hangga't maaari ay bawal ang mga pagpapalagay ng tattoo.

Binigyan ng ikalawang pagkakataon ni Joy sina Cynthia at Jackie, pero pasaway talaga si Cynthia kaya si Jackie lang ang na-retain.



Maliban daw kasi sa tattoo ay marami raw ang mga ginagawa si Cynthia na hindi na kayang pagtakpan ni Joy. Ilang beses na rin kasi itong nasasangkot sa mga kaguluhan sa mga bars. Nitong huli, nasangkot na naman daw sa gulo si Cynthia at ito ang nagtulak kay Joy na tanggalin na ito nang tuluyan sa grupo. Nagiging fair lang daw si Joy sa pagparusa sa mga alaga niya.



Pero dagdag ni Joy, tuloy pa rin si Cynthia sa paglabas sa Daisy Siete. Iyon nga lang ay hindi na siya makakasama sa paglabas sa Eat Bulaga, Tok! Tok! Tok! Isang Milyong Pasok, at SiS, at maging sa mga mall tours at provincial shows ng grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Gusto kong malaman niya ang mga pagkakamali niya. Hindi niya minahal ang trabaho niya. Sayang ang mga oportunidad na dumarating for her at sa grupo. Kung ayaw niya sa trabahong ito, siguro naman may isa diyan na gustung-gustong maging SexBomb Girl. Doon na lang ako sa taong ‘yon kesa sa nandiyan ka nga, pero wala kang pakialam sa mga ginagawa mo kung tama ba o mali," pahayag ni Joy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN