Jenica Garcia and Mart Escudero start shooting their launching movie


Newcomers Jenica Garcia and Mart Escudero are now being groomed by Regal Entertainment as one of its newest loveteams. Their loveteam will be featured in the horror film Hide and Seek, which begins shooting this Monday.



Recently, pinapirma ng Regal Entertainment ang loveteam nina Jenica Garcia at Mart Escudero na unang na-discover sa GMA-7 soap opera na Impostora. Two-year, eight-picture deal ang pinirmahan ng dalawa sa film outfit ni Mother Lily Monteverde.

Hindi sigurado ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung kasama na sa pinirmahan nilang kontrata ang dalawang pelikulang ginagawa ngayon ni Mart for Regal—ang Kulam nina Judy Ann Santos at Dennis Trillo at ang Shake, Rattle & Roll 9.

Sa Monday, September 3, malamang na magsimula na sina Jenica at Mart ng shooting ng kanilang launching movie as a loveteam. Ito ay isang horror film na may working title na Hide And Seek, mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at sa direksiyon ni Rahyan Carlos. Dapat ay noong Huwebes pa ito nasimulan ngunit may nirebisa pa sa script at pati na rin ang schedules nina Jenica at Mart.

Hanggang September 10 pa ang taping nina Mart at Jenica para sa Impostora. Last Friday, August 24, nag-first taping day na rin ang Pasan Ko Ang Daigdig na pamalit na soap opera nina Yasmien Kurdi at JC de Vera sa magtatapos next week na Pati Ba Pintig Ng Puso. Kasali rin sina Mart at Jenica sa Pasan Ko Ang Daigdig.

Sa Sunday, papasok na rin si Jenica sa Boys Nxt Door, ang Sunday teen show ng GMA-7 kung saan nandoon din si Mart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN