Danilo Barrios confirms reconciliation with girlfriend Jaycee Parker


Danilo Barrios says he made the first move to win back Jaycee Parker. He describes, "Ako, tinext ko nangtinext, tinatawagan, nangungulit. Tapos kapag nasa labas pinagbabawalan kunwarikahit hindi naman ako 'yung boyfriend."


Muling nagbabalik sa telebisyon ang Streetboys member na siDanilo Barrios matapos ang ilang buwang pamamahinga niya sa paggawa ng mgaproyekto. Gaganap ang aktor bilangkontrabida ni Miguel, ang role ni Vhong Navarro sa Lastikman.

Sa presscon ng Lastikman noong Miyerkules sa 9501Restaurant sa ABS-CBN Compound, agad na tinanong ng press kung nagkabalikan nasila ng kanyang girlfriend na si Jaycee Parker.

Ayon sa actor-dancer, dalawang buwan na raw simula nangmagkabalikan silang dalawa. "Nag-startkami mula sa top para at least 'yung mga bad memories maayos."

Inamin niya na siya ang gumawa ng paraan upang suyuin mulisi Jaycee—na naging girlfriend niya for two years and four months bago sila nagkahiwalay. "Ako, tinext ko nangtinext, tinatawagan, nangungulit. Tapos kapag nasa labas pinagbabawalan kunwarikahit hindi naman ako 'yung boyfriend," paglalarawan ni Danilo.

Halos pareho rin daw ng ibang relasyon ang dahilan ngpahihiwalay nila noon. Aniya, "Gaya rinsiguro ng ibang relationship na may mga problema, may mga misunderstanding namahirap ayusin. Minsan mas maganda munaiyong manahimik or mag-isip."

Ngunit matapos ang breakup, inamin ni Danilo na nagingmas mature na sila sa kanilang relasyon ngayon.

Para kay Danilo, "Mas lagi kaming magkasama, mas nag-uusapkami, mas na-lessen na ang away, mas marami na iyong mga usap tungkol sabuhay. Nag-matured na ang relationshipnaming kasi iyong past mas maraming away, ngayon mas napag-uusapan na naming ngmaayos."

Naikwento rin ni Danilo sa press na mas malapit si Jayceekay Direk Chito Roño, ang manager ng Streetboys. "Actually po sa lahat ng mga naging girlfriend ko, siya lang poiyong nakakausap ni Direk Chito, tapos minsan magka-bonding pa sila kaya lahatsila [Streetboys] nagulat," sabi ni Danilo.

Samantala, hindi rin nakaiwas ang aktor tungkol sa isyu ng kanyang dating girlfriend na si Aiza Marquez. Matatandaang napabalita noon ang diumano'y paghihirap ni Aiza na humantong pa sa pagpapaalis sa kanila sa kanilang tirahan.

Ayon kay Danilo, hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila. Sa katunayan, tinawagan pa niya ang ex-girlfriend upang magbigay ng tulong sa paghahanap ng malilipatan. Subalit tila huli na ang kanyang pagtulong, ani Danilo, "Noong tinawagan ko siya, nakahanap na raw posiya [ng bahay]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay nito, hindi naman daw nagseselos si Jaycee sa ginawang pagtulong ni Danilo, bagkus bukas pa raw ito sa pagtulong sa dating girlfriend ng actor-dancer. Dagdag pa ni Danilo, "Napag-usapan na rin po namin ni Jaycee na kung kailanganniya ng tulong, tutulong kami."

Nang tanungin ng press kung pakakawalan pa ba niya si Jaycee,hindi niya masiguro ang kanyang sagot. Gayunman, para sa kanya, "Sa mga nangyari po kasi parang feeling ko...Para sa akin, although hindi natin mapre-predict kung sino talaga, nakita ko naang sarili ko sa kanya na kasama ko siya habambuhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN