Gerald Anderson admits Kim Chiu is more than a close friend


"Wala pa naman po kami sa point na kami na po. Pero nasa level na po na kapag hindi po ako nakakatanggap ng text message kay Kim sa isang araw or hindi po kami nagkita in one day, nami-miss ko na po siya," reveals Gerald Anderson about his current relationship with Kim Chiu.



Magkasabay na dumating sa presscon kaninang tanghali, August 31, para sa kanilang launching movie na I've Fallen For You ng Star Cinema sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Kahit one year na silang magkakilala simula nang maging housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition at maging magka-loveteam, consistent pa rin ang dalawa sa pagsasabing hindi pa sila mag-on.



Ano ba talaga ang maitatawag sa klase ng relasyon meron sila ni Kim?



"Ayoko na po kasing sabihin na close friends," pauna ni Gerald sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasi sigurado pong nagsasawa na kayong marinig 'yung term na ‘yon. Pero ang masasabi ko lang po, wala pa naman po kami sa point na kami na po. Pero nasa level na po na kapag hindi po ako nakakatanggap ng text message kay Kim sa isang araw or hindi po kami nagkita in one day, nami-miss ko na po siya."



Base sa title ng kanilang movie na I've Fallen For You, sinabi ni Gerald na ang unang babaeng sinabihan niya ng mga katagang ito ay ang kanyang first girlfriend. Pero ngayon daw, meron siyang gustong sabihan nito—obviously referring to Kim.



"Meron po ako sa ngayon na gustong sabihan, kaso hindi pa po tamang panahon," nakangiting pahayag ng young actor.



Gaano ba kamahal ni Gerald si Kim?



"Mahal na mahal po," diretso niyang sagot. "She knows I care for her. Nandito lang po ako palagi para sa kanya."



KISSING SCENE. Sa I've Fallen For You ay may kissing scene sina Gerald at Kim, na ayon sa binata ay first time nila on and off cam.



"Ever since po talaga... One year na po kaming magka-loveteam, pero ngayon pa lang po talaga kami magkakaroon ng kissing scene," sabi pa ni Gerald.



Ano ang pakiramdam habang kinukunan ang kissing scene nila?



"Noong una po, habang kinukuhanan at ginagawa po namin ang scene, para pong may butterfly sa loob ng tiyan ko. Medyo pareho rin po kaming tahimik after ng take namin. After a while, okay na po, tawanan, kuwentuhan na," salaysay ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa ngayon, ayon kay Gerald, pareho raw sila ni Kim na excited at kinakabahan para sa kanilang launching movie na idinirek ni Lino Cayetano. Pero ayon sa binata, mas lamang ang excitement sa kanya.



"Nae-excite po kasi ako na ma-share sa mga manonood 'yung ginawa naming movie. Nandoon din po ‘yung excitement na bukod sa launching movie namin ito, launching movie rin po as movie director ni Direk Lino ang I've Fallen. So, ang dami pong first talaga," sabi niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN